Skip to main content

Walang “Merry Christmas” kung tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filed67aPu could not be copied.
2007/11/23 - 12:15pm

Pinakamagandang aginaldo ng Kongreso at Senado, kagyat na pagbasura sa Oil Deregulation Law


“ WALANG masayang Pasko para sa mga manggagawa at taumbayan hangga’t tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at mga produktong petrolyo,”

 

Ito ang sinabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU, na nagpahayag din na ” mistulang nananakaw na sa amin ang ibibigay na Christmas bonus at 13th month pay kung meron man dahil sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Wala kaming kalaban-laban ngayon na nagtaasan at patuloy na nagtataasan ang mga presyo ng pangunahing bilihin. Nakapagngangalit na habang nagpipiyesta sa tubo ang Petron, Shell at Chevron, nagdurusa kami dahil sa kanilang kasakiman at kawalan ng konsensiya. “

 

Inirehistro rin ni Labog na ang isa sa pinakamagandang aginaldo ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino ay ang kagyat na pagbabasura ng Oil Deregulation Law (ODL) na ginagamit ng mga dambuhalang kompanya ng langis para walang-tigil na itaas ang presyo ng langis anumang oras nais nila.

 

“ Ngayon ang tamang panahon upang patunayan ng Kongreso at Senado na sila’y kakampi ng taumbayan. Pinakamagandang aginaldo sa amin kung kagyat nilang ibabasura ang Oil Deregulation Law. Kabaligtaran ng ipinagmalaki ng mga upisyales ng gobyerno noon na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kapag naipasa ang naturang batas, P37.98 na ang presyo ng diesel mula P7.50 nang maipasa at maipatupad ang batas (ODL) noong 1996. Sa panahon naman ni Ginang Gloria Macapagal-Arroyo, nadagdagan ng P25.48 ang presyo ng diesel mula P12.50 nang siya’y maluklok sa Malakanyang noong 2001. Hindi naman ito nakapagtataka dahil P3.00 kada litro sa diesel ang nakukuhang buwis ng gubyernong Arroyo sa pamamagitan ng RVAT. Kasama ang kartel, napakasaklap na nagpipiyesta rin ang gubyernong Arroyo kapag sumisirit ang presyo ng langis. ,” paliwanag ni Labog.

 

Iginiit din ni Labog na sana’y bago magtapos ang 2007 ay maibabasura na ng mga mambabatas ang Oil Deregulation Law. ” Hinahamon namin ang mga kongresista at mga senador na para sa interes ng taumbayan, kagyat na ibasura na nila ang Oil Deregulation Law. Tapusin na natin ang isa sa pinakamalaking panlolokong ginawa sa atin na pinagdurusahan natin hanggang sa ngayon.”

 

Ipinahayag din ni Labog na kasama ang mga drayber, mangunguna ang mga manggagawa at iba pang maralita sa pagsasagawa ng mga koordinadong protesta ng taumbayan sa Nobyembre 26 na tutungo sa isang pambansang welgang transportasyon sa Disyembre.

 

” Nakahanda kaming magsakripisyo at nakakatiyak din kaming pati ang taumbayan upang irehistro ang galit natin sa sabwatan ng kartel ng langis at gubyernong Arroyo na ibayong nagpapahirap sa mamamayan. Kung hindi tayo magpapakita ng pagkakaisa at lakas, hindi matitinag ang gubyernong at kartel ng langis sa pag-aabuso sa atin, ” pagwawakas ni Labog.

 

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments