Skip to main content

UN Rapporteur Alston pinuri ng mga manggagawa; kaso ni Ka Bel iminungkahing tutukan ng United Nations

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file5iFitw could not be copied.
2007/02/21 - 6:38pm
Prof. Philip AlstonNatuwa ang Kilusang Mayo Uno sa pahayag ni United Nations Rapporteur on Extra Judicial Killings Philip Alston kaugnay na resulta ng kanyang imbestigasyon sa mga kaso ng pampulitikang pamamaslang sa mga progresibo at mamamahayag.

“Mabuti at mayroon pang mga kagaya ni G. Alston na nakakakita ng katotohanan sa likod ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao na ginagawa ng gobyernong Arroyo,” ani KMU Secretary General at Anakpawis Party List nominee Joel Maglunsod.

Sa pagharap ng KMU International Department sa briefing ni Alston ngayong umaga, muli nilang hiniling sa UN Rapporteur na bigyang pansin rin ng UN ang kaso ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran na mag-iisang taon nang ilegal na ikinukulong ng gobyerno dahil sa di napatunayang kaso ng rebelyon.

Sa Pebrero 26, magkakaroon ng pambansa-koordinadong protesta na pangungunahan ng mga manggagawa. Susuportahan ito tagasuporta ng Free Ka Bel Movement sa Japan, Korea, Germany, Canada, Australia, Estados Unidos at iba pang bansa.

Ayon pa kay Maglunsod, sa higit 840 bilang ng mga napaslang sa ilalim ng administrasyong Arroyo, 76 na ang napatay na mga lider unyon at tagasuporta ng kilusang paggawa. Hanggang ngayon wala pang ni isang kaso ang nabigyan ng solusyon at wala pang nahuhuli at napaparusahan sa mga suspek. Kabilang sa mga kaso ang brutal na pagpatay kay Nestle union president Diosdado ‘Ka Fort’ Fortuna, pananaksak sa lider-manggagawa at guro na si Vicky Samonte sa Caraga at mga mararahas na pag-atake sa piketlayn ng mga naka strike na manggagawa.

Gayundin sinabi ng KMU na dapat nang alisin ng Department of Foreign at Department of Justice ang blacklist sa mga foreigners na sumisimpatya sa mga pamilya ng political killings. Mahigit 20 foreigners na dumalo sa International Labor Solidarity Mission noong 2006 ang pinagbabawalan ng gobyerno na makapasok sa bansa. “Dahil dito at sa pahayag ni Alston, tiyak na lalakas ang international pressure sa Malacanang na itigil na ang mga political killings at human rights abuses,” pagtatapos ni Maglunsod.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments