Palit-gatong na uling at kahoy sa panibagong pagtaas ng LPG at kerosene
Error
Related posts
- Cooking fuel-switching to coal and wood with new round of LPG and kerosene price hikes
- Pagbarat sa umento sa NCR, susundan sa mga rehiyon
- Incoming DoLE Secretary Arturo Brion must initiate dialogue with labor groups
- Public hearing ngayong araw ng wage board sa NCR, dinagsa ng protesta
- KMU reiterates P125 legislated wage increase, across-the-board, across-the-country in one grant within a year
Habang nagbabanta sa pagputok ang Bulkang Mayon ngayong araw, hindi naman mapigilan ng mga kababaihang manggagawa sa ilalim ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagsabog ng galit sa panibagong pagtaas sa presyo ng langis.
Nagtaas kahapon ng presyo ng unleaded gasoline, diesel at kerosene ang Petron Corp., Chevron Phils. Inc. (dating Caltex) at Total Philippines. Nagtaas din ng 50 sentimos kada kilo ang Petron sa presyo ng LPG samantalang nakatakdang magtaas ngayon ang Total. Nakatakda ring magtaas ang presyo ng lahat ng produktong Petrolyo ang Unioil Petroleum, Flying V, at Eastern Petroleum ngayong araw.
"Halos wala rin ang ipinagmamalaki ni Labor Sec. Art Brion na P25 umento sa NCR sa pamamagitan ng Wage Order No. 12. Napupunta na lamang ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa sa pantustos sa pamasahe at gamit sa panluto na LPG o kaya'y kerosene, at wala na halos kayang bilhing masustansiyang pagkain para sa aming mga anak na nag-aaral at pantustos sa iba pang pangangailangan sa eskwela," galit na pahayag ni Nitz Gonzaga, Kalihim ng Departament ng Kababaihan ng KMU.
Maaapektuhan ng naturang pagtaas ang tinatayang 8.6 milyong kabahayan ang gumagamit ng LPG ayon sa datos October 2004, Household Energy Consumption Survey. Sa parehong sarbey, 56.3 % ng mga kabahayan ang gumagamit ng kerosene.
Sinabi rin ni Gonzaga na dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng LPG at kerosene dulot ng batas-deregulasyon sa langis, wala nang ibang pagpipilian ang mga tahanan kundi bumalik sa paggamit ng kahoy o uling sa pagluluto. Ayon pa rin sa Household Energy Consumption Survey, 55.3% ang gumagamit pa rin ng kahoy sa pagluluto, at 34.2% naman ng uling.
"Taliwas sa pangako ng batas-deregulasyon na abot-kayang panggatong, pamahal nang pamahal ang mga produktong petrolyo. Puro pahirap talaga ang gobyernong ito na inutil sa pagprotekta sa mga mamamayan mula sa paggalaw ng mga sensitibong produktong ito," birada pa ni Gonzaga.
Sa parehong sarbey, noong Oktubre 2004, pangunahing salik sa pagpapalit-gatong ang pagtaas sa presyo ng LPG (93.8%) at pagbabago sa sahod ng pamilya (77.6%). Giit pa ng KMU, lalong bumaba ang tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa kumpara sa walang humpay na pagtaas ng implasyon.
Suportado rin ng batikang lider-manggagawa ang panawagan ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran para muling isulong sa Konggreso ang kagyat na pagpapasa ng P125 umento sa sahod sa gitna ng pambabarat dito ng mga regional wage board.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 18 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed