Tigil-pasada, aktibong lalahukan ng mga manggagawa
Error
Related posts
- Workers to actively partake in transport strike
- US is more than guilty of participating in combat; US and Phil army connive to exploit Mindanao – KMU
- Pacquiao urged to donate portion of prize money to typhoon victims
- Gunigundo promises hearing on P125 bill in August in response to workers’ picket at his house
- Tax exemption cannot replace substantial legislated across-the-board wage hike – KMU
KMU, sinisi ang dambuhalang tubo at kontrol ng mga kapitalista sa langis
"Ang transport strike sa Lunes ay hindi lang laban ng mga tsuper, welga ito ng sambayanan.”
Ipinahayag ni Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, ang buong-buong paglahok ng mga manggagawa sa ikakasang pambansang tigil-pasada sa Lunes.
"Lahat ay sinasalanta ng walang-habas na pagtaas ng presyo ng langis. Kaya’t lahat ay hinihikayat na aktibong lumahok at magpahayag ng kanilang hinaing.
"Huwag nating bigyang paumanhin ang mga drayber na magtitigil-pasada. Malayo sa pang-aabala ang kanilang gagawin. Ang namemerwisyo sa atin ay si Gloria at mga kasabwat nitong dayuhang kapitalista.”
Sa araw ng tigil-pasada ay magsasagawa rin ang KMU ng mga walk-out sa pabrika, noise barrage, at iba’t iba pang anyo ng protesta sa iba’t ibang protest centers sa Metro Manila at sa bansa.
Walang makapipigil
Tinuligsa rin ni Labog ang mga ulat hinggil sa pagpapatigil ni LTFRB Chair Thompson Lantion sa isasagawang tigil-pasada.
"Hanggang ngayon, wala pang makabuluhang aksyong ginagawa ang pamahalaang Arroyo sa walang ampat na pagtaas ng presyo ng langis. Sino sila para pahintuin ang protesta ng mamamayan? Matagal nang naghihirap at nagagalit ang taumbayan, at walang makapipigil sa paghungos nila sa lansangan,” ani Labog.
Tubo at monopolyo
Sinisi ni Labog ang labis na pananamantala at pagkontrol sa industriya ng langis ng mga malalaking dayuhang kapitalista bilang pangunahing salarin.
"Kontrolado ng kartel sa langis ang produksyon, suplay, at distribusyon ng 90 porsyento ng langis sa mundo. Kayang-kaya nilang idikta ang presyo nito.”
Binanggit din ni Labog na umabot sa tumataginting na 98.8 bilyong dolyar ang kinita ng top four oil companies sa mundo noong nakaraang taon, at taun-taon pang lumalaki ang kita ng mga ito.
"Ang mga malalaking dayuhang kumpanyang ito ang lumalamon at nakikinabang sa bawat pagtaas ng presyo ng langis. At sila pa ngayon ang nagsasabing hindi nila kayang magbigay ng karampot na P125 dagdag na sahod?”
Iginiit ni Labog na ang mga makabuluhang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagtanggal ng VAT sa produktong petrolyo, pagbasura sa Oil Deregulation Law, pagtakda ng moratorium sa anumang pagtaas ng presyo ng langis, pagsasabansa ng industriya ng langis, at pagpapasa sa P125 legislated across-the-board wage hike.###
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 18 hours ago - The past employee who started
6 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 22 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
Most discussed