Skip to main content

Balita

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileN4isPD could not be copied.
News in Filipino

Sa ika-76 kaarawan ni Ka Bel: Mga halimbawa niya ang kailangang ipaglaban sa gitna ng talamak na katiwalian sa pamahalaan - KMU

Pinagpugayan ng Kilusang Mayo Uno ang yumaong lider-manggagawa, mamababatas para sa maralita, at “makabagong Andres Bonifacio” na si Crispin ‘Ka Bel’ Beltran sa kanyang ika-76 na kaarawan ngayon.

Mga balik-trabahong mamamayan sinalubong ng KMU sa isang bagong taon ng ibayong hamon, pag-asa, paglaban

Sinaluduhan ng Kilusang Mayo Uno ang milyun-milyong mamamayan na magbabalik-trabaho sa araw na ito ng panibagong taon.

“Tayong mga manggagawa ang tunay na lumilikha ng yaman ng lipunan. Tayo ang mapagpasya sa kung ano ang gusto nating mabago at mangyari sa ating lipunan,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Pananahimik ni Labor Sec Marianito Roque sa nagaganap na panunupil at pamamaslang sa kilusang paggawa, binatikos ng mga obrero

NAGPIKET ngayong umaga ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang singilin ang pananahimik nito sa nagaganap na tumitinding panunupil sa kilusang paggawa.

Kagyat na pagpapalaya sa batikang abogado ng manggagawa at bayan, hiniling

Pag-aresto sa KMU Chief Legal Counsel, kinondena

 

KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang gestapo na pag-aresto kay KMU Chief Legal Counsel Remigio Saladero Jr. kahapon  ng mga pulis  at militar sa kanyang bahay sa Antipolo.

 

Ayon kay Elmer ‘Ka Bong’ Labog, tagapangulo ng KMU, matapos na hindi lumusot ang gawa-gawang kasong arson at pagpapasabog sa Globe cellsite sa Batangas noong Agosto 2 na ibinibintang kay Atty. Saladero, kinakasuhan naman siya ngayon ng multiple murder at frustrated murder sa Mindoro.

 

Malawakang kilos-protesta sa buong Kamaynilaan, ipuputok ng lalong naghihirap at nagugutom na taumbayan sa Agosto 28

MAHIGIT sa isang dosenang lugar sa buong Kamaynilaan ang kakalampagin ng protesta sa Agosto 28 upang ipinawagan sa gubyernong ang isang malaking bagsak ng rolbak sa presyo ng produktong petrolyo, pagsasabatas ng P125 dagdag na sahod at pagtatanggal ng VAT sa langis at kuryente.