Skip to main content

Strong republic ni GMA, gumigiray na

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filegv5EjX could not be copied.
2005/01/13 - 4:43pm
Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi dapat magsalita ng patapos si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at tiyakin sa publiko na matatapos niya ang kanyang termino hanggang 2010. “Sa tinatakbo ng pulitika at liderato ni Gloria sa ngayon, walang kasiguruhan ang lahat. Anumang oras maari siyang matanggal sa pwesto dahil sa lumalakas na paglaban at protesta ng masa sa kanyang pahirap na administrasyon.”

“Unti-unti nang gumigiray ang binuong strong republic ni Gloria. Sa imahe lang siya malakas at matatag pero sa totoo lang, nagkakagulo na sa loob nanyang liderato,” ani KMU Chairman Elmer Labog.

Iginiit pa ng lider manggagawa na hindi rin bilib ang mga manggagawa kay Vice President Noli ‘Kabayan’ De Castro. “Dapat maipakita si VP De Castro na may magagawa siyang epektibong pamamaraan para maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Kung magagawa niya ito, malaking tulong na para sa mga konsyumer at manggagawa.”

Nababahala ang KMU sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. “Kung magpapatuloy ito at wala naman kaming makukuhang dagdag na sahod ang mga obrero, mamamatay nang dilat ang mata ng mga pamilya namin,” ani Labog.

Katarungan hanap pa rin ng mga taga Hacienda Luisita

Samantala, lumahok ang KMU sa pagsasampa ng mga biktima ng Hacienda Luisita Massacre sa opisina ng Ombudsman ngayong umaga. Kinasuhan ang mga pangunahing suspek sa madugong dispersal na nauwi sa pagmasaker sa mga welgista noon Nobyembre 16.

Kinasuhan ng mga mangggawa at magsasaka sina dating pangulong Corazon Aquino, Jose Peping Cojuangco, Labor Secretary Patricia Sto. Tomas at mga elemento ng pulisya at military. Hindi rin nakaligtas si Arroyo sa mga maysala. Ayon sa mga manggagawa, kung walang gagawing aksyon si Arroyo kaugnay sa kaso sa Hacienda Luisita, mahaharap siya sa papalaking galit ng mamamayan. “Posibleng ito ang magpabilis sa tuluyang pagbagsak ng strong republic niya,” pagtatapos ni Labog.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments