Mensahe ng Pakikiisa at Pagsuporta sa Pambansang Lakbayan sa Pilipinas

Mensahe ng Pakikiisa at Pagsuporta sa Pambansang Lakbayan sa Pilipinas
Jose Ma. Sison
Tagapangulo, International League of Peoples' Struggle
Enero 17, 2010

Kami, sa International League of Peoples’ Struggle, ay mahigpit na nakikipagkaisa sa Anakpawis Partylist at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa paglulunsad ng Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan mula sa mga rehiyon sa timog at hilaga ng Pilipinas patungo sa pambansang kapitolyo sa loob ng 10 araw, mula Enero 12 hanggang 22. 

Ipinagbubunyi at binabati namin kayo sa matatag at militanteng pag-oorganisa ng bukod-tanging aksyong masang ito na maglalakbay ng mahigit 1,000 kilometro. Labis kaming natutuwa na nagsimula ang mobilisasyong masang ito sa timog sa Davao City noong Enero 12 at sa hilaga sa Tarlac City noong Enero 16. 

Lubos naming sinusuportahan ang malawak na masa ng sambayanan, lalo na ang mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda, na kalahok sa historikong pangyayaring ito. Nananabik kaming makita ang pagsasanib ng mga hanay at kalahok sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Enero 21 at ang martsa patungong Mendiola, malapit sa palasyo ng presidente, sa Enero 22. Sang-ayon kami sa lahat ng layunin ninyo. 

Makatarungang igiit ang tunay na reporma sa lupa at ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal bilang solusyon sa suliranin sa lupa. Dapat maipatupad ang reporma sa lupa batay sa lakas ng kilusang magbubukid at sa layuning kamtin ang pang-ekonomiya, panlipunan at pampulitikang paglaya ng masang magbubukid. Hindi ito dapat makupot sa hangganan ng reaksyunaryong paggawa ng batas. 

Sa esensya, layunin ng tinatawag na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) na buhusan ng malamig na tubig ang paggigiit ng mga magbubukid ng lupa at panatilihin ang pyudal at malapyudal na mga porma ng pagsasamantala. Katulad ng mga naunang pekeng programa ng reporma sa lupa, pinapanatili ng CARPER ang parehong mga butas at maniobra para mahadlangan o maiwasan ng mga panginoong maylupa ang reporma sa lupa. 

Kailangang dalhin sa atensyon ng bansa at mundo ang mga lokal na pakikibaka para sa lupa at talakayin ang pinakatampok na mga kaso ng pagpapalawak ng lupain at pagkamkam ng lupa sa kapinsalaan ng mga magsasaka at manggagawang bukid. Gusto ng mga mamamayan na mas malaman ang pagkaganid sa lupa, kasibaan at kalupitan ng iilang pamilya ng panginoong maylupa na nagdodomina sa malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema. 

Dalawang mayor na kandidato sa pagkapangulo, sina Benigno Cojuangco-Aquino III at Gilberto Cojuangco-Teodoro, ang galing sa iisang angkang malaking komprador-panginoong maylupa na may-ari ng malalawak na asyenda sa Tarlac, Pangasinan, Isabela, Negros, Caraga, Palawan at iba pang bahagi ng bansa. Kailangang nasa adyenda ng kasalukuyang pakikibakang elektoral ang suliranin sa lupa. Karapat-dapat suportahan ang mga progresibong partido at kandidato na nagtataguyod ng reporma sa lupa. 

Kailangang ilantad, labanan at biguin ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan sa ilalim ng Oplan Bantay Laya ng rehimeng US-Arroyo. Ang malubha at sistematikong mga paglabag sa karapatang pantaong ginawa ng rehimen ay itinulak at sinuportahan sa lohistika ng imperyalismong US, lalo na sa ilalim ng patakaran nitong pandaigdigang gera sa terorismo. Nakikipagsabwatan ang mga pwersa ng opisyal na militar, pulisya at paramilitar sa mga private army at tauhan ng mga dayuhang negosyong monopolyo, malalaking komprador at panginoong maylupa. 

Sa pakikibaka nila laban sa mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo, kailangang engganyuhin ng masang anakpawis ng mga manggagawa at magsasaka ang suporta ng panggitnang hanay sa lipunan at panggitnang mga pwersa sa lipunang Pilipino. Kailangang paigtingin ang pagkakaisa ng malawak na masa ng sambayanan at patindihin ang kanilang militanteng paglaban sa nabubulok na naghaharing sistema at sa mabilis na sumasahol na sosyo-ekonomiko at pampulitikang krisis. 

Kami sa International League of Peoples’ Struggle ay sumusuporta sa malawak na masa ng sambayanang Pilipino sa kanilang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, pagbibigay-kapangyarihan sa anakpawis, kaunlaran sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, katarungang panlipunan, siyentipiko at makamasang kultura, at pandaigdigang pagkakaisa laban sa imperyalismo at digmaan. 

Determinado kaming ikoordina ang kontra-imperyalista at demokratikong mga pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa gayong mga pakikibaka ng iba pang mamamayan ng mundo para mag-ambag na itaas sa bago at mas mataas na antas ang pakikibaka ng sangkatauhan para sa mas malawak na kalayaan, demokrasya, lahatang-panig na pag-unlad, katarungang panlipunan, at kapayapaan sa mundo. #

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>
  • Potentially problem-causing HTML tags are filtered.

More information about formatting options

Featured Campaign

Solidarity

Workers’ call in funeral march for Cory: Wield People Power unity versus ChaCha, Arroyo tyranny

Today, we march in the streets with thousands of people to bring Mrs. Cory to her final place of rest. As we pay our final tribute to the icon of the people’s display of collective clamor for regime change, we recall the historic struggle of the people in EDSA.  read full article »