Defend Job Security Against Further Contractualization
Error
Labor center Kilusang Mayo Uno’s statement for the House of Representatives’ Committee on Labor hearing on the Philippine Airlines labor dispute, 10 November 2010.
We attend today’s Congressional hearing on the Philippine Airlines labor dispute with full of anger and indignation over Lucio Tan’s ruthless anti-worker profiteering schemes and the Noynoy Aquino regime’s blatantly pro-capitalist stand on this issue.
By itself, the PAL labor dispute enrages us as fellow workers, fellow Filipinos and as advocates of the rights and interests of workers and poor people. More than 2,600 workers stand to lose the regular jobs that they have been holding for years. They have the chance of getting back the same job but as contractuals who receive lower wages and benefits and are denied job security. From being union members, they will join the huge mass of workers who are actually denied the right to unionize by the power of capitalists to terminate them from work for no reason at all and at any time at all.
And why? Because the company owned by the country’s second richest man is citing losses. This, despite reports of increasing profits and procurement of new airplanes. The company is using the current severe global financial and economic crisis to prove its claim that flights are getting fewer and fewer – as if this could justify the act of passing on to workers the burden of the crisis when they were monopolizing the gains during the good times. In truth, the company is brutally replicating the formula of a leading competitor which is earning a lot from a workforce that is thoroughly contractualized.
What enrages us even more are the implications of this labor dispute, and the Aquino regime’s pro-capitalist stand on it, to the Filipino workers and people. If the country’s second richest capitalist can cite losses to fire such numerous employees from work then re-hire them as contractuals, why can’t capitalists who are smaller do the same? If a capitalist as notorious as Lucio Tan can get away with setting up dummies to facilitate his contractualization through outsourcing scheme, why can’t capitalists who are hidden from the public’s view do the same? If a capitalist and the regime can do this to workers who have a union, what else can they do to workers who don’t have a union?
PAL has always been a national flag carrier, a national trend-setter, when it comes to exploiting workers. When it implemented a 10-year moratorium on negotiations for a Collective Bargaining Agreement in 1998, numerous companies followed suit. Now, with the help of the Aquino regime, Lucio Tan is demonstrating to capitalists that it is OK to lay off workers, however numerous they may be, and then re-hire them for the same work as contractuals. With the help of the Aquino regime, he is demonstrating that capitalists as a class can further reduce workers’ wages and benefits, eliminate job security, attack trade-union rights and generally super-exploit workers with impunity.
The DOLE’s recent decision on the PAL labor dispute once again proves that the Aquino regime is serving the bourgeois comprador and landlord ruling classes in the country – and, like the latter, is thoroughly insensitive to the plight of the workers and people. It is not implementing land reform, even in the high-profile case of the Aquino-owned Hacienda Luisita. It is denying us workers the substantial wage increase that we deserve, while allowing the prices of basic goods to increase. Instead of providing jobs, it is giving dole-outs to a few poor people through loans from foreign financial institutions. We wanted change; now, he is giving us contractualization full-blast.
We call on the members of the House of Representatives to join the PAL and Filipino workers in opposing Lucio Tan’s ruthless anti-worker and profiteering schemes. We call on you to join our ranks in opposing efforts by the Aquino regime to facilitate and render legitimate Lucio Tan’s schemes. We call on you to investigate and expose Lucio Tan’s immense profits, the anti-worker nature of his contractualization through outsourcing scheme, and the Aquino regime’s connivance with Lucio Tan. We call on you to defend job security, oppose contractualization and uphold trade-union rights.
Comments
#1 ATAKE SA UNYON - ATAKE SA
ATAKE SA UNYON - ATAKE SA SAHOD,
ATAKE SA SAHOD - ATAKE SA UNYON?
"SUSTAINABLE AND BALANCED GROWTH". Ito ang tema ng pulong ng Group of 20(G20).
Para sa nag-iisang Super Power at pinakamakapangyarihang Imperyalistang bansa,ito ang nagsusumamong panawagan ng Imperyalistang Estados Unidos para pakalmahin ang kanyang naghihingalong ekonomya, bilang mensahe sa Group of Eight(G8)kasama na ang mga tinatawag na "emerging economies" tulad ng China, India, Brazil at iba pa. Tinatawag sila ngayong, Group of 20(G20).
Sa pagkabigo ng Group of Eight(G8), para sa katuparan ng "Globalisasyon" na may layuning sagipin ang naghihingalong Monopolyo Kapitalismo, lalo lamang nitong ibinaon sa krisis ang huklubang Kapitalismo, at mistulang inihahatid pa ito ng Globalisadong Ekonomya sa kanyang huling hantungan.
Sa Globalisadong Ekonomya,ipinatupad ng G8 ang malayang kalakalan(Free Trade)at inalis ang lahat ng mga balakid(Trade Barriers)dito. Lalong nai-disenyo ng kalakalang ito ang mga bansa sa ikatlong daigdig(3rd World)tulad ng Pilipinas na, di-mauubusang balon ng murang lakas-paggawa at murang hilaw na materyales, tapunan ng sobrang produksyon at sobrang kapital, at reserbang palengke, na lalong nagkait sa mga ito ng pag-usad ng kaunlaran.
Sa pagpapatupad ng Globalisasyon, idinikta ng mga mayayamang bansa sa mga papet na pamahalaan ng 3rd World Countries tulad ng Pilipinas, ang pagsupil sa karapatang mag-unyon at mag-welga upang mapanatili at lalong mai-dikta ang mas mababang sahod.
Ngunit sa pagkabaon at pagtindi ng krisis sa mga bansa ng ikatlong daigdig dahil na rin sa globalisasyon, lalong nabaon at tumindi rin ang krisis sa mga mayayamang bansa lalo na sa Estados Unidos. Bunga ito ng wala nang kakayahan pang saluhin ng mga mahihirap na bansa ang mga sobrang produksyon at sobrang pampinansyang kapital, dahil na rin sa pagkalugi sa kalakalan(paglobo ng trade deficit), pagkabaon sa utang, paglaki ng budget deficit at depisit sa bayaran(balance of payment deficit),at pinakamasahol ay ang paglaki ng kawalan ng hanap-buhay.
Kailangang panatilihin ng mga mayayamang bansa ang ganitong klase ng relasyon sa mga mahihirap na bansa, upang manatili o pahabain pa ang buhay ng naghihingalong huklubang monopolyo kapitalismo o imperyalistang kapangyarihan sa daigdig.
Ito ang layunin ng pagpupulong ng Group of 20(G20). Sa pananaw ni Barack Obama, kailangang suportahan ng mga kasapi ng G20 ang recovery o pag-ahon sa lumalalim na krisis ang Imperyalistang Estados Unidos, dahil ang pag-ahon at muling pagbangon ng ekonomya nito ay interes ng buong daigdig, dahil sila ang pinamalaking ekonomya at mayor na partner sa kalakalan ng mga bansa sa daigdig.
Ang temang "sustainable and balanced growth", ay naglalayong paglapitin ang mga depisit at surplus sa balanse ng kalakalan ng mga bansang kasapi ng G20, kaya labas dito ang mga hindi kasapi. Alumpihit sa kanyang naghihingalong ekonomya ang Imperyalistang Estados kaya kabado ito sa kanyang 48 Bilyong Dolyar na Depisit sa Kalakalan. Kaya sinisilip nito ang 27 Bilyong Dolyar na Surplas sa Kalakalan ng Tsina na naitala nito pa lamang Oktubre. Mistulang nagsusumamo ang Imperyalistang Estados Unidos para makihati sa dambuhalang tubo ng mga "emerging economies" na kasapi ng G20, upang makabangon ang kanilang lugmok na ekonomya.
Ang temang "Sustainable and Balanced Growth" ng G20, ay panibagong dagok para sa mga bansa sa ikatlong daigdig tulad ng Pilipinas. Maaring itulad ito sa isang damit na bagong laba, na kailangang pigain ng ilang ulit para madaling matuyo.
Para sa mga manggagawa, panibagong banta ito ng atake sa unyon at atake sa sahod. Ang sustainable at balanced growth ay nangangahulugan ng patuloy na pagpiga ng tubo ng mga monopolyo kapitalista mula sa pawis at dugo ng mga manggagawa at ang resonableng hatian nila dito. Para maisagawa ito, kailangang manatili o maidikta ang mas murang lakas-paggawa at alisin ang mga balakid para maisakatuparan ito.
Nangangahulugan ito na kailangang pigilin o mapigilan ng mga Kapitalista ang pagkakaisa at pagtatatayo ng unyon ang mga manggagawa. Kung nagkakaisa na o may nakatayo nang unyon, kailangang pahinain, gawing inutil, o tuluyang wasakin ito. Napakahalaga nito para sa mga Kapitalista, para manatili at maidikta ang mas mababang sahod at mawalan ng kakayahang tumutol at lumaban ang mga manggagawa.
Kongkreto ito sa pagpapatupad ng talamak na kontraktwalisasyon, pagbawi ng job security, job-outsourcing at pagpataw ng assumption of jurisdiction.
Isang buhay na halimbawa ang nararanasan ngayon ng mga manggagawa sa Philippine Airlines(PAL).
Ang Public-Private Partnership(PPP) ng rehimen ni P'NOY at ang ibinabang desisyon ni Sec. Baldoz, ay abanteng tugon ng Rehimeng US-Aquino sa layunin ng pagpupulong ng G20.
Para alisin ang mga balakid, kailangang pahinain, gawing inutil at tuluyang wasakin ng Rehimeng US-Aquino ang mga organisado o unyonisadong mga manggagawa upang paralisahin at alisan ng kakayahan itong tumutol at lumaban. Ang desisyon ni Sec. Baldoz ay may katumbas ng pagsisimula ng atake at panunupil ng rehimen ni P'NOY sa Kilusang Unyon o Kilusang Manggagawa. Katumbas din nito ang pagpigil sa pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa dahilan sa lalong nile-legalisa nito na lalong maging talamak ang kontraktwalisasyon at pagbawi sa job-security ng mga manggagawa.
Ang atake sa Unyon ay atake sa Sahod at ang atake sa Sahod ay atake sa Unyon. Ibig sabihin, upang mapanatili at maidikta ang mas mababang sahod, kailangang pigilin o mapigilan ang pagtatayo ng unyon ng mga manggagawa. At upang mabawi ang dati nang tinatamasa ng mga manggagawa dahil sa Unyon, kailangang pahinain, gawing inutil at tuluyang wasakin ang mga nakatayo nang Unyon. Ang pakikibaka ng mga manggagawa ng PAL ang kongkreto at buhay na halimbawa nito.
Ang Public-Private Partnership(PPP) ni P'NOY, ang desisyon ni Sec. Baldoz, at ang pulong ng G20, ay magkaka-ugnay na nakaambang atake at panunupil sa Kilusang Unyonismo at Demokratikong Karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.
Napapanahon ang pagbubuo ng malawak at malapad na taktikal na alyansa para sa isyu ng pagtaas ng sahod, contractualization, job security at ang karapatang mag-unyon at mag-welga. Isang malawak at matibay na usapin ito na hindi pwedeng balewalain ng mga Sentrong Unyon. Ang sinumang tututol at hihiwalay dito, ay malalantad bilang Dilawan at Bandido ng Kilusang Manggagawa. Dahil ang alyansa para dito ay kongkretong ekspresyon ng pakikibaka laban sa atake sa unyon at atake sa sahod.
BUUIN ANG MALAWAK AT MALAPAD NA ALYANSA LABAN SA NAKAAMBANG ATAKE SA KILUSANG UNYONISMO !!!
ISULONG ANG SAMA-SAMA AT NAGKAKAISANG PAGKILOS NG MGA MANGGAGAWA !!!
Post new comment