Skip to main content

Sa anibersaryo ng Mendiola Massacre

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileIfhaCM could not be copied.
Kilusang Mayo Uno
Sa anibersaryo ng Mendiola Massacre
Enero 22, 2009

Magsasaka at manggagawa, ibayong lumaban!
Igiit ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon!

Sa harap ng Malakanyang, Enero 22 1987, walang awang pinagbabaril ang mga magsasakang nagpoprotesta para sa reporma sa lupa. Naisabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)  ng rehimeng US-Aquino makalipas ang isang taon ng masaker para diumano ibsan ang galit ng mga magsasaka - ngunit nabigo ito. Dalawampu’t dalawang taon na ang lumilipas, pinapaslang at nililinlang pa rin tayo ng mga nasa Malakanyang.

Simula’t sapul, problematiko na ang esensya ng CARP: hindi ito para sa libreng pamamahagi ng lupa sa mga nagbubungkal, kundi kumpensasyon sa mga panginoong maylupa at pag-oobliga sa mga magsasaka na bayaran ang lupang kanilang pinagyaman sa maraming henerasyon. Ang CARP ay nagsislbing transaksyon ng mga panginoong maylupa at mga magbubukid kung saan gubyerno ang tagapamagitan. Hindi na kataka-takang ang implementasyon ng CARP ay nagamit sa maruming laro ng anti-magsasakang pamilihan at mga pwersang pulitikal. Halos lahat na yata ng lupa, pwedeng ma-exempt mula sa CARP, basta’t hilingin ng panginoong maylupa o kapitalista.

Simple lang ang sukatan ng repormang agraryo: kung nagdudulot ba ito ng higit na kaginhawaan sa kalagayan ng mga magbubukid. At sa 22 taong implementasyon ng CARP, malinaw pa sa sikat ng araw ang sagot na HINDI!

Kaya kasabwat ang mga nagpoposturang progresibo, iwinawasiwas ngayon ng gubyernong US-Macapagal Arroyo ang propaganda para sa ekstensyon nito. Kahit nakahapag na ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) ng Anakpawis PartyList na tahasang tumutunggali sa mga panlilinlang ng CARP.

At habang ang mga makapangyarihang iilan lang ang nakikinabang sa mga lupain natin, nanatiling bangkarote ang ating ekonomiya at pamumuhay. Kung ano ang gustong ipabungkal ng dayuhang pamilihan, iyon ang itinatanim. At hindi naman ito dumidiretso sa hapag ng mayoryang nagugutom. Kung hanggang saan ang gustong protektahan ng malalaking korporasyon sa kanilang kita, iyon ang natitiyak. Kesyo alipinin sa mababang hatian o pasahod ang mga nagtatrabaho, gawing lubhang maiklian o kontraktwal ang trabaho ng mga nasa kanayunan, o mapilitan silang maghanap ng pagkakakitaan sa mga bayan upang muli lang mabigo.

Kaya’t malinaw na ang pagsasamantala at pang-aapi ng mga panginoong maylupa at malalaking kapitalista’t kumprador sa mga magsasaka ay ramdam at nararanasan din nating  mga manggagawa. Isang katotohanang kung sino ang mga nagtitiyak ng pagkain sa ating hapag-kainan at tunay na gumagawa ng yaman ng bansa ang pinaka-aba at binubusabos ng mga may kapangyarihan.

Hinding hindi pa mananahimik ang mga multo ng Mendiola Massacre. Ihihiyaw natin sa lansangan, sa mga pagawaan, komunidad, ang mga labang pinagbuwisan na ng buhay ng di mabilang na magsasaka:

Tunay na Reporma sa Lupa, Ipaglaban! Isulong ang pambansang industriyalisasyon!
Ibasura ang kontra-magsasaka at mapanlinlang na CARP!
Genuine Agrarian Reform Bill, Isabatas!
Katarungan para sa mga biktima ng Mendiola Massacre, at iba pang biktima ng diktadurang US-Arroyo!
Labanan ang sabwatang US-Arroyo-kapitalista-panginoong maylupa!

Comments

#1 MVIS project please

MVIS project please investigate. billion ang pera irerelease dito ng LTO. baka magamit lang sa election. 2010 itatayo ito.

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.