Skip to main content

Senado, babantayan ng mga obrero; desisyon sa P125 dagdag sahod, inaabangan

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file0QsWR4 could not be copied.
2007/01/22 - 11:13am
Illustration by Neil DoloriconTumungo ngayon sa Senado ang mga manggagawa para sa pagbubukas ng sesyon at igigiit nila na kagyat na pag-usapan at desisyunan na ng Mataas na Kapulungan ang nakabinbin na panukalang across-the-board, legislated dagdag na sahod.

Ayon kay KMU Chairperson Elmer Labog, dapat magkaroon na ng iisang tindig na pabor sa mga manggagawa ang Senado. "Mahalaga ang mga natitirang sesyon ng Senado para sa pagtalakay at pagpasa sa panukalang umento sa sahod. Babantayan namin ang boto ng mga Senador.
Dapat na pag-isipang mabuti ng mga Senador ang kanilang desisyon. Malaki ang magiging implikasyon nito sa pulitika, lalo na para sa mga nagbabalak na tumakbo sa darating na halalan."

Iginiit ng grupo na di na dapat pang umabot sa susunod na termino ng Kongreso ang panukalang dagdag sahod. "Napakatagal nang nakikipaglaban ng mga manggagawa para sa kakarampot na umento. Kailangan na ito sa lalong madaling panahon."

"Di na makahabol ang kasalukuyang kita ng mga obrero sa napakataas na halaga ng pamumuhay. Hindi kayang tugunan ng mga wage boards ang dagdag kita para sa amin lalo pa at barya-barya lang ang laging ibinibigay ng mga wage boards na lagi namang pabor sa mga kapitalista," giit pa ng lider manggagawa.

Nagpaalala ang KMU sa mga Senador na malaking porsyento ng mga botante sa darating na eleksyon ay mga manggagawa, maralita at mga konsyumer. "Ang boto ng sektor ng paggawa ay boto para sa maunlad na kabuhayan at kinabukasan. Kung ngayon pa lamang nakikita na namin kung sino ang di sumusuporta sa kapakanan ng mga obrero, mas higit na magiging kritikal ang kilusang paggawa sa darating na eleksyon," ani Labog.

"Mas nagkakaisa ang mga manggagawa sa usapin ng dagdag sahod. Nakahanda kaming araw-arawin ng mga pagkilos ang Senado para lang matiyak ang positibong desisyon ng mga Senador sa P125 umento sa sahod."

Malakanyang, binalaan ng mga manggagawa na huwag harangin ang legislated wage hike

Kung aaprubahan ng Senado ang legislated na dagdag sahod at haharangin naman ng Malakanyag gaya ng naunang pahayag ng kampo ni Gng. Arroyo na handa silang i-veto ang umento sa sahod, nagbanta naman ang KMU na maari itong magdulot ng higit na diskontento at malawakang protesta sa buong bansa. "Hindi mapipigilan ng gobyernong Arroyo ang pag-aalsa ng nagugutom na taumbayan kapag hinarang nito ang dagdag sahod para lang sa kapakanan ng mga kapitalista at negosyante."

Gayundin, sinabi ng KMU sa ECOP, PCCI at iba pang grupo ng kapitalista na hindi susuko ang mga obrero hangga't di nakakamit ang makabuluhang umento sa sahod at kagyat na economic relief.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments