Skip to main content

"Lalong walang seguridad ang mga manggagawa sa batas-kontra terorismo"

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file3BBM31 could not be copied.
2006/08/14 - 4:48pm

Sa ilalim ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo, hindi seguridad laban sa terorismo ang tataas kundi ang kita ng mga lokal na pamahalaan sa cedula at bilang ng mga pang-aabuso ng mga militar sa mga sibilyan sa pagpasa ng batas kontra-terorismo ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).

Kinatigan ng KMU ang pahayag ni Senador Nene Pimentel na huwag ipasa ang batas habang talamak ang pampulitikang pamamaslang at walang kaseryosohan ang gobyerno sa pagresolba rito. "Matagal nang tutol ang mga obrero sa Anti-Terrorism Bills na dati pa ipinipilit ng gobyerno sa ngalan umano ng paglaban sa terorismo. Pero ang totoo nyan, nasa hanay ng militar ang mga terorista at death squads na pumapaslang sa mamamayan," ani KMU Chairman Elmer Labog.

Nangangamba rin ang grupo na imbes maprotektahan ang mga mamamayan laban sa terorismo ay marami pa ang magiging biktima ng aniya'y "state-sponsored terrorism" sa gitna ng programang kontra-insurhensya na Oplan Bantay Laya (OBL) na tumatarget diumano sa mga sibilyang aktibista, "Sunod-sunod ang pamamaslang sa mga miyembro ng mga progresibong organisasyon at unyon ng mga manggagawa. Nangangamba kami na magiging mabagsik na kombinasyon ang OBL at batas kontra-terorismo na magsususog lamang sa walang pakundangang pang-aabuso ng mga berdugo sa militar sa kapangyarihan nito."

Sa Nueva Ecija ay napaulat ang mga insidente ng pang-aabuso ng mga militar dulot ng cedula. Isang empleyado mismo ng gobyerno ang napilitang umuwi ng naka-underwear lamang, isang maninindang babae ang inutusan ng sundalo na kainin ang pasong cedula samantalang ring kapitan ng barangay ang pinakain ng sedula.

"Hindi kataka-takang salubungin ng matinding paglaban ang planong batas kontra-terorismo dahil sa mga danas mismo ng mamamayan ang terorismo ng estado, " ayon naman kay Nitz Gonzaga, Kalihim ng Departamento ng kababaihang manggagawa ng KMU.

Nagpahayag din ng pangamba ang batikang lider-kababaihan-manggagawa na maraming kababaihan at kababaihang manggagawa ang magiging biktima ng harassment, "Dahil ang gobyernong ito ay tinuturing na terorismo ang unyonismo, hindi malayong terorista kung ituturing nito ang mga unyonistang kababaihan na marami ay sa garments at electronics na lumalaban lamang para sa mga karapatan sa sahod at trabaho."

Mga kaso sexual harassment at paglabag sa batayang karapatan ng mga kababaihan sa privacy ang pinangangambahan rin ni Gonzaga na dadami dala ng batas kontra-terorismo na isinusulong ni Arroyo.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments