Praymer: Cha-cha ni Gloria, Ibasura!
Error
Cha-cha ni Gloria, Ibasura!
Kung bakit tutol ang mga mamamayan at manggagawa
sa Cha-Cha ni Gloria
NOONG GABI NG HUNYO 2, habang tulog na ang marami, dali-daling ipinasa ng Kongreso ang House
Resolution 1109. Resolusyon itong nagsasabing ipapatawag ng Kongreso ang isang constituent assembly o
Con-Ass para baguhin ang Konstitusyon na pinagtibay noong 1987. May probisyon sa Konstitusyon kung paano
gagawin ang Con-Ass, pero hindi ito sinunod ng mayorya ng Kongreso. Sa botong 173 pabor, ipinasa ang HR 1109
sa paraang katulad lang ng karaniwang resolusyon ng Kongreso, kung paano nito pinapalitan halimbawa ang
pangalan ng isang kalsada. Mismong si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo ang nagtulak nito. Ayon kay Speaker Prospero Nograles, nabuo ng mayorya ang pasyang iratsada ang HR 1109 sa pagsasanib ng mga partidong Lakas-CMD at Kampi. Kaharap mismo si Arroyo noong pinag-usapan ito. Agresibong ikinampanya ito ni Kong. Mikey Arroyo ng Pampanga, panganay na anak ng pangulo. Isinampa ito ni Kong. Luis Villafuerte, malapit na alyado ni Arroyo.
Para makita ang buong praymer, i-click ang file attachment sa ibaba.
| Attachment | Size |
|---|---|
| KMU Chacha primer June 09 for reading.pdf | 584.54 KB |
Comments
Post new comment