Petisyon ng mga Manggagawa at Mamamayan Laban sa Charter Change ni Gloria

CHA-CHA NI GLORIA, IBASURA!

Petisyon ng mga Manggagawa at Mamamayan
Laban sa Charter Change ni Gloria

Kami, mga manggagawa at mamamayang Pilipino, ay naritong lumalagda at nagkakaisa para
igiit: “Cha-Cha ni Gloria, ibasura!”

Cha-PilipinaCha-Cha = Pagbebenta sa Pilipinas. Papayagan ng Cha-Cha ang mga dayuhan na
magkaroon ng 100% pag-aari ng mga lupaing residensyal, komersyal at industriyal sa bansa.
Lalo nitong ibubukas sa kanila ang pagsamantala sa mga yamang likas ng Pilipinas.
Papahintulutan nito silang magmay-ari ng mga pampublikong utilidad tulad ng kumpanya sa tubig,
kuryente at telekomunikasyon.

Cha-Cha = Buong Bansa, Base-Militar. Tatanggalin ng Cha-Cha ang mga restriksyon sa
pagpasok ng mga dayuhang tropang militar, armas pandigma at maging armas-nukleyar.
Papadaliin nito ang pagpasok ng gobyerno sa mga kasunduang pangmilitar na maglalagay sa
panganib ng buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Cha-Cha = Paghahari ni Gloria Lampas 2010. Maraming kasalanan si Gloria sa bayan:
pandaraya sa eleksyon, katiwalian, pagtatago ng katotohanan, panunupil at paglabag sa
karapatang pantao. Dahil dito, at sa galit ng mga mamamayan, gusto niyang hindi makasuhan
kahit pagkatapos ng termino niya. Sa pamamagitan ng Cha-Cha, pagpalit ng sistema ng
gobyerno at pagiging punong ministro, gusto niyang manatili sa kapangyarihan kahit tapos na
ang termino niya.

Cha-Cha = Instant Batas Militar para sa Gobyerno. Aalisin ng Cha-Cha ang
mahahalagang karapatan ng mga mamamayan. Gagawin nitong mas madali sa pangulo na magimbento
ng dahilan para magdeklara ng batas militar at suspendihin ang mga karapatan. Aalisin
nito ang kapangyarihan ng Kongreso at Korte Suprema na baligtarin ang pagdedeklara ng isang
presidente ng batas militar.

Cha-Cha = Mamamayang Iskwater sa Sariling Bayan, Naghihirap, Supil ang
Karapatan, Alipin ng mga Dayuhan, Walang Dignidad.

CHA-CHA ni GLORIA, IBASURA!
Tumututol kami sa Cha-Cha na itong naglilingkod kay Gloria, sa iilan at dayuhan.
CHA-CHA ni GLORIA, IBASURA!!!
Hindi kami makakapayag na baguhin ang Konstitusyon ni Gloria at ng mga
alagad at katulad niya dahil tiyak na gagawin nila itong mas masama para sa bayan,
hindi mas mabuti.

 

AttachmentSize
kontra cha-cha petition Hunyo 2009.pdf65.64 KB

Comments

ano po ba ibig sabihin ng

ano po ba ibig sabihin ng cha-cha ng mga pulitiko?para sa interest ba yan mga mamayan?dapat kumunista ipalit nila para patas,walang mayaman at mahirap.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>
  • Potentially problem-causing HTML tags are filtered.

More information about formatting options