Skip to main content

Leandro "Andy" Mortel, bulok na lider-manggagawa

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file3i5ITz could not be copied.

Sa harap ng iba’t ibang banta, naging prinsipyado, matatag at palaban ang pakikibaka nating mga manggagawa ng Manila North Harbor para sa kaseguruhan sa trabaho. Dito, naging kaisa natin ang mga porter, manininda at mga residente ng komunidad. Ngayon, nagkakaisa tayo sa ating alyansa sa paglaban para sa ating kabuhayan sa Pier. 

Noong una, nilabanan natin ang pagsasapribado ng North Harbor dahil sa banta nito sa ating kaseguruhan sa trabaho. Nang matuloy ang pribatisasyon, patuloy tayong naggiit sa papasok na bagong manedsment at maging sa gobyernong Gloria Arroyo.

Kahanga-hanga ang naging paglaban natin. Marami tayong nailunsad na talakayan at sama-samang pagkilos para sa ating trabaho. Sa mga ito, libu-libo ang lumahok. Naiparinig natin sa sambayanan ang ating mga karaingan sa harap ng pribatisasyon. 

Pero iyun pala, lingid sa kaalaman natin, may lider tayong ginagamit ang paglaban natin para sa sariling pakinabang. Ginagamit niya ang ating prinsipyado, matatag at palabang pakikibaka para kumuha ng malaking pera mula sa papasok na manedsment.

Nitong nakaraang mga araw, nalaman natin, sa isang hindi mapapasinungalingang tao, na si LEANDRO “ANDY” MORTEL, kalihim ng Samahan ng Manggagawa sa Pantalan (SMP) at secretary-general ng Alliance of Port/Transport Workers and Porters in North Harbor (APTWP-NH) ay humingi ng sumusunod sa bagong manedsment ng Pier:

(1) Pagiging supplier ng bigas sa mga manggagawa kung magbibigay ng ganitong benepisyo ang bagong manedsment,

(2) Dalawang bigay ng P50,000 – bale P100,000 sa kabuuan – mula sa pagpirma sa memorandum of understanding o MOU,

(3) P200,000 bago magpirmahan ng kasunduan para sa absorption o pagkuha sa mga manggagawa ng bagong manedsment,

(4) Kabuuang P1 Milyon mula sa P1,000 kada manggagawang ie-enlist o ipapasok niya sa trabaho sa ilalim ng bagong manedsment. 

Dagdag pa rito, nalaman nating sa enlistment form na pinapapirmahan niya sa mga manggagawa sa ilalim ng alyansa, walang probisyon na nagsasabing magbibigay ang bagong manedsment ng tulong pampinansya o financial assistance sa mga manggagawa. 

Sa ganitong mga hakbangin, nilalamangan niya tayong mga manggagawa – tayong makatwirang naglalagay ng ating kaligtasan at buhay sa panganib para sa laban. Posible ring hindi makasulong ang pagresolba sa usapin dahil sa kanyang pagpepera. 

Habang ang interes nating lahat ang isinusulong natin, isinusulong niya ang kanyang makasariling interes. Habang kapanatagan natin sa trabaho ang ating hanap, sariling kapanatagan sa mas maalwang buhay ang iginiit niya – gamit ang ating paglaban.

Sa ganitong diwa, nananawagan kami sa mga manggagawa sa SMP at APTWP-NH na kondenahin at itakwil ang makasariling pamumunong kinakatawan ni Andy Mortel. Isulong natin ang ating laban nang wala ang makasarili at nabulok na lider na ito. 

Hindi poprotektahan at ipagtatanggol ng KMU ang mga lider-manggagawang nagsusulong ng makasariling interes at hindi ng interes ng mga manggagawa. Kokondenahin at itatakwil sila ng KMU alang-alang sa interes ng mga manggagawa.

Kondenahin at itakwil si Andy Mortel, bulok na lider-manggagawa!

Isulong ang laban para sa kaseguruhan sa trabaho! #

 

AttachmentSize
AndyMortel.pdf47.45 KB

Comments

#1 kasama, nakikiisa ako sa

kasama,
nakikiisa ako sa inyo sa pagtutuligsa at pagkondena ng inyong lider, hindi ko akalain na may mga lider pa rin na gayon ang pananaw. ginamit ang buhay at dugo ng manggagawa upang makamtan ang ating minimithi, ngunit lingid sa lahat may traydor pa rin sa ating kauri, kailangan bigyan ng aral ang ganitong lider, ito ay nangyari na sa amin, naging traydor ang aming presidente ng unyon at libaglag pa ang apat namin na kasamahan, ano kaya ang dapat nating gawin? upang hindi na tularan ang mga taong ito. kumukulo ang dugo namin sa mga lider na ganiti, sana nga wala na.. at wala na...
salamat,
vic

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.