Skip to main content

Kontra-Chacha flyer

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileP04ePo could not be copied.

Cha-Cha ni Gloria, Ibasura!

Lubhang makakasama sa ating mga manggagawa at mamamayang Pilipino ang Charter Change na isinusulong ng gobyernong Arroyo.

Papayagan nito ang mga dayuhan na magkaroon ng 100% pagmamay-ari ng lupa at negosyo. Lalo tayong mawawalan ng lupang titirahan at sasakahin. Lalo tayong pagsasamantalahan at aalipinin sa ating mga trabaho. Mawawalan na tayo ng yamang likas na ipapasa sa ating mga anak at apo.

Papayagan nito ang mga dayuhan na magpasok ng mga tropang militar, armas, kahit armas-nukleyar. Papayagan din nito ang gobyerno na mabilis na magdeklara ng batas militar at pagkaitan tayo ng mga karapatan. Lalo tayong malalantad sa peligrong hatid ng gera at ng panunupil ng gobyerno.

Papayagan nito ang paghahari ni Gloria lampas 2010. Ang isang plano: tatakbo si Gloria na kongresista. Kasabay, magkakaroon ng Cha-Cha para palitan ang porma ng gobyerno: mula presidensyal, gagawing parlamentaryo. Mananalo siyang bagong punong ministro sa bagong porma ng gobyerno.

Pero ang mahalaga para kay Gloria ay mailusot ang Cha-Cha. Ang US kasi ang nangunguna sa pagtutulak nito. Kapag naibigay ni Gloria sa US ang lahat-lahat sa bansa sa pamamagitan ng Cha-Cha, tutulungan siya nitong magtagal sa kapangyarihan at umiwas sa mga kasong nag-aabang sa kanya.

Dahil pursigido ang rehimeng US-Arroyo na itulak ang Cha-Cha, kailangan din nating maging pursigido sa pagtutol. Kailangan nating mag-ambag sa pagbasura sa Cha-Cha. Ipamalita natin ang isyu! Sumama tayo sa mga rali!

Sahod, trabaho at karapatan; yaman at kinabukasan ng bayan – ipaglaban!
Cha-Cha ni Gloria, para sa US at iilan! Ibasura!
Tama na, sobra na, patalsikin na si Gloria!

~ Kilusang Mayo Uno / Anakpawis Partylist ~

   Hunyo 24, 2009

Lumahok sa protesta ng mamamayan laban sa ChaCha:

Hunyo 30, 2pm kitaan sa Welcome Rotonda

AttachmentSize
Cha-Cha Flyer for june24.pdf100.11 KB

Comments

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.