Skip to main content

Kagyat at Matagalang Panawagan ng mga Manggagawa sa Gobyernong Aquino

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file1OFTrz could not be copied.

Hulyo 2010

Kilusang Mayo Uno

Sa loob ng mahigit siyam na taong paghahari ng rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo, dumanas ang mga manggagawa at mamamayang Pilipino ng walang kaparis na pagsasamantala at pag-atake. Lalong binarat ang sahod, dinurog ang kaseguruhan sa trabaho, at ibayong inatake ang kilusang paggawa. Bahagi ang lahat ng ito ng komprehensibong atakeng neoliberal sa mga manggagawa at mamamayan – na kaakibat naman ng buong patakarang neoliberal na liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Nangahulugan ito ng ibayong kahirapan at kagutuman sa hanay ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino.

Ngayon, sa pagkakatanggal ng rehimeng Arroyo at pagpasok ng bagong gobyerno ni Benigno “Noynoy” Aquino III, napakaigting ng paghahangad ng mga manggagawa at mamamayan para sa kagyat na ginhawa, kagyat na mga reporma. Tampok dito ang pagpaparusa kay Gloria Macapagal-Arroyo at kanyang mga susing kasapakat para sa ibayong pagpapahirap at paggutom sa mga manggagawa at mamamayan. Kagyat na bahagi nito ang pagbawi sa tunay na halaga ng sahod, pagtatanggol sa kaseguruhan sa trabaho laban sa malaganap na kontraktwalisasyon at kaswalisasyon, at pagtigil sa pasistang atake sa mga manggagawa at kilusang paggawa. Bahagi rin nito ang malalaking reporma na matagal nang iginigiit ng mga manggagawa at mamamayan – tampok ang patatakwil sa pagsunod sa mga neoliberal na patakarang malinaw na kontra-manggagawa at kontra-mamamayan. 

(see attachment for full Workers' Agenda)

AttachmentSize
Kagyat at Matagalang Panawagan sa Gobyernong Aquino.pdf36.92 KB

Comments

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.