Skip to main content

Pusong makamahirap, mahalaga sa mga kandidato - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileSl10lC could not be copied.
2007/02/14 - 2:41pm
Ayon sa grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) isang mahalagang katangian na hahanapin ng mga manggagawa sa mga kandidato sa darating na halalan ang pagkakaroon ng tunay na pag-ibig at malasakit sa mga mahihirap.

Batay sa mga talaan, pinakamalaking bilang sa mahigit 43.5 milyong rehistradong botante ngayong eleksyon ay nasa edad na 26-35 taong gulang na kinabibilangan ng mga mangagawa at propesyunal sa iba’t-ibang larangan.

Ayon kay KMU Spokesperson Presto Suyat, kikilatisin ng mabuti ng mga manggagawa ang mga kandidato. Partikular na aalamin ng KMU ang pusisyon ng mga Senatoriables sa usapin ng legislated na dagdag sahod at sa panukalang P125 across-the-board, EVAT, presyo ng mga bilihin, kalagayan ng karapatang pantao at iba pa.

Ngayong araw ng mga puso, nagpaalala ang mga KMU sa mga kandidato na mas mahalaga ang gawa kaysa salita. “Hindi na makukuha sa mga mabubulaklak na salita at pangako ang mga botante. Mahalaga ang track record at panindigan sa mga pangunahing isyu ng mamamayan. Ito ang unang titingnan ng mga manggagawa,” ani Suyat.

Anakpawis Party List suportado ng mga obrero

Todo naman ang suporta ng KMU sa Anakpawis Party List sa pangalawang beses ng kandidatura nito sa Kongreso. Ikatlong nominee ng Anakpawis si Joel “Jomag’ Maglunsod, Secretary General ng KMU. “Bihira lamang ang mga subok na Party List. Kaya dapat maging mapagbantay ang publiko sa mga Party List na pinatatakbo ng gobyerno at militar.”

Binatikos rin ng grupo ang ginagawang aktibong pangangampanya ng AFP kontra sa mga progresibong Party List lalo na sa mga komunidad at probinsya sa programa nitong Special SOT Project: Counter Party List at the Barangay Council.

Sa Metro Manila, tinatambakan na ng militar ang mga komunidad ng Payatas, Commonwealth, Tandang Sora, Pandacan, Tondo, at iba pang lugar na may mga chapter ng Anakpawis. Ngunit di naman magpapapigil ang grupo. Ayon pa kay Suyat, kailangang palakasin ang boses ng mga manggagawa sa Kongreso lalo pa ngayon na hindi pa rin pinalalaya ng gobyerno si Anakpawis Rep. Crispin Beltran na mag-iisang taon nang nakakulong dahil sa deklarasyon ng PP1017 noong Pebrer 25, 2006.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments