Skip to main content

Puksain ang “Gloria Manananggal” ng “Buhay, Karapatan at Kabuhayan” ng Manggagawa at Mamamayan - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileNXK9XD could not be copied.
2008/03/07 - 8:23pm

Pambansang Araw ng Kilos-Protesta, ikinasa

ISINALARAWAN ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang “Gloria Manananggal” o “Manananggal ng Buhay, Karapatan” ng manggagawa at mamamayan sa ginaganap na Pambansang Araw ng Kilos-Protesta na lalahukan ng libo-libong manggagawa at iba pang maralita sa buong bansa.

Ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, bilang “Gloria Manananggal” dapat puksain siya ng mga obrero at taumbayan upang makapamuhay ng maayos at mapayapa.

“ Mula nang maluklok si PGMA sa Malakayang, hindi na niya itinaguyod ang interes at kapakanan ng manggagawang Pilipino. Sa kaniyang panunungkulan naganap ang Hacienda Luisita Massacre, pagpaslang sa mahigit 70 unyonisita o manggagawa, pinanatiling mababa ang sahod, laganap ang kontraktwalisasyon at hindi napipigilan ang malawakang tanggalan ng trabaho sa bansa. Ang ganitong karanasan namin ay sapat na upang ipanawagan ang agaran niyang pagbibitiw bilang pangulo o mapatalsik dahil sa ngitngit ng manggagawa at buong sambayanan,” sabi ni Labog.

Inirehistro rin ni Labog na galit na galit ang mga obrero at karaniwang mga Pilipino dahil ang mga pagbubunyag ni ZTE NBN scandal whistleblower Jun Lozada ay nagpatotoo lamang na habang todo ang sakripisyo nila upang kumita lamang ng kakaunti ay nagpipiyesta ang iilang tao kasama na si PGMA at Unang Pamilya sa kabang-yaman ng bansa.

“ Mula huling linggo ng Pebrero hanggang ngayong unang dalawang linggo ng Marso naganap ang mga walk-outs sa mga pagawaan, lunch break protests, martsa sa mga lansangan at komunidad, pagkakabit ng Freedom Wall sa Makati, noise barrage, martsa, petition-signing, forum, Lakbayan at iba pang porma ng protesta upang ipakita na hindi kami nananahimik kundi militanteng kumikilos upang ipagtanggol ang aming sahod, trabaho at karapatan. Ipinamalas din naming aktibo kaming nag-aambag upang mabilis na mapatalsik sa umaalingasaw niyang trono sa Malakanyang ang pekeng pangulo, papet, korap, pahirap at pasistang si Gloria Macapagal-Arroyo,” paliwanag ni Labog.

Sinabi rin ng lider-manggagawa na organisado silang magmamartsa patungong Mendiola ngayong araw upang maiparinig ng pinakamalapit sa Malakanyang ang mga isyu’t pakikibaka ng mga manggagawa, pangunahin na ang paniningil kay PGMA sa pagpigil na maisabatas ang P125 dagdag na sahod ng mga manggagawa sa tulong ng mga kontra-manggagawang mga mambabatas sa Kongreso at Senado. Susunugin ang “Gloria Manananggal” effigy sa Mendiola bilang simbolo ng paglaban at pagwawakas ng paghahari ni GMA.

Nakatakdang magpiket ang mga manggagawa sa iba’t ibang probinsiya at rehiyon ngayong araw sa mga regional offices ng Department of Labor and`Employment (DOLE), pagsasagawa ng walk-outs, noise barrages, mass-up at iba pang porma ng protesta. Lalahok sa Pambansang Araw ng Kilos-Protesta ang Baguio, La Union, Central Luzon, Laguna, Cavite, Bicol, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Cagayan De Oro, Butuan City at General Santos.

Comments

#1 anong klase bayang pangulo

anong klase bayang pangulo si gloria>>>>>>>>>>>>>>>

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments