Praymer Hinggil sa Laban Para kay Atty. Remigio Saladero Jr.
Error
Related posts
- Kagyat na pagpapalaya sa batikang abogado ng manggagawa at bayan, hiniling
- 48-day detention of prominent labor lawyer represents new trend in HRVs; Atty Saladero resumes writing weekly column behind bars
- CHR Chairperson urged to look into illegal arrest, detention of top labor lawyer
- Free Saladero Coalition welcomes CHR probe into labor lawyer's case
- KMU chief legal counsel’s life under threat by police-military
(naka-attach ang word file)
1. SINO SI ATTY. REMIGIO SALADERO JR. ?
Si ATTY. REMIGIO D. SALADERO, JR. ay isang matapat at tanyag na labor at human rights lawyer. Siya ang kasalukuyang Chief Legal Counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU), militanteng sentrong unyon ng libu-libong manggagawa sa bansa. Siya rin ang Chairman ng Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), isang institusyong nagbibigay ng serbisyong legal pangunahin sa mga maralitang manggagawa at manggagawang-bukid, at nagsasagawa ng iba’t ibang porma ng adbokasiya para sa pagtataguyod ng karapatan sa paggagawa. Siya rin ay may kolumn na “Husgahan Natin” sa lingguhang pahayagang online na Pinoy Weekly, na naipagpapatuloy niya maisulat hanggang ngayon sa loob ng bilangguan.
Bilang abogado ng mga manggagawa, si Atty. Saladero ay nakapagbigay ng serbisyong legal sa mga unyon ng San Miguel Corporation, Nestle-Cabuyao, Monterey, Shoe Mart, Philips Electronics, Dole Philippines, Philippine National Bank, Hacienda Luisita, Azucarera de Tarlac, ABS-CBN, Legend Hotel-Subic, Yokohama Tires, Robina Farms-Rizal, LRT, RFM, Swift, Cosmos Bottling and Sulpicio Lines, at marami pang iba. Humahawak siya ng mahigit 700 kaso ng manggagawa at maralita na kinasasangkutan ng libu-libong indibidwal.
Kumuha si Atty. Saladero ng Bar exam noong 1984, at nagkamit ng general average na 88.95% na naglagay sa kanya sa ika-17 puwesto. Pagkatapos niyang mag-Bar, nagtrabaho siya bilang Assistant Attorney sa Del Rosario and Del Rosario Law Offices sa lungsod ng Makati hanggang 1986. Mula roon, pumasok siya sa Public Attorney’s Office (PAO) – Department of Justice ng Antipolo District bilang Public Attorney ll mula 1987 hanggang 1990.
Abogado rin si Atty. Saladero ng National Federation of Labor Unions, pinakamalaking kasaping pederasyon ng KMU, mula Oktubre 1990 hanggang sa kasalukuyan. Naging tagapangulo rin siya ng Bayan Muna sa kanilang probinsya sa Rizal.
Kumuha siya ng Bachelor of Arts, Major in Political Science sa Mindanao State University (MSU), Marawi City at nagtapos ng cumlaude noong Abril 1979. Nagtapos siya ng Bachelor of Laws sa San Beda College noong Abril 1983. Dito ay naging kasapi siya ng Lex Leonum Fraternitas at naging Most Exalted Leonum pa nito. Mayroon din siyang Diploma in Industrial Relations (April 1987), Master in Industrial Relations (October 1989), at Master of Public Administration (April 1995) mula sa University of the Philippines - Diliman.
Nagturo rin si Atty. Saladero sa akademya. Taong 1992-95, nagturo siya ng Business Law at Political Science sa Dominican College, at Labor Relations sa Lyceum College of Law noong 1995-96. Siya rin ang kauna-unahang nakatanggap ng Natatanging Alumni on Labor Leadership at Advocacy na iginawad ng UP Diliman School of Labor and Industrial Relations noong Nobyembre 2005.
Siya ay naging kasapi ng Movement of Attorneys for Brotherhood, Nationalism and Integrity, Inc. (MABINI) noong 1987, ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at National Union of People’s Lawyers. Naging Most Exalted Leonum ng kanyang panahon at kasapi ng Lex Leonum Fraternitas ng San Beda College of Law
Noong Oktubre 27, 2008, nagpatunay ang Office of the Bar Confidant na siya ay isang abogadong in good standing, at walang nakabinbing kaso laban sa kanya sa kanilang tanggapan. Ang kanyang law office, na nasa San Isidro, Antipolo City, lalawigan ng Rizal, ay rehistrado sa Department of Trade and Industry at lisensyado ng Office of the City Mayor ng Antipolo.
Si Atty. Saladero ay hindi pang-karaniwang human rights defender at labor lawyer. Isa siyang abogadong nag-aangkin ng lakas ng loob, talino, at yaman ng karanasan sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa labor at criminal law. Nananatili siyang mapagpakumbaba at simple sa kanyang mga gawi. Puno siya ng tapang at hindi mapapantayang dedikasyon na tumanggap ng mga kasong di basta-basta hahawakan ng ibang abogado sa takot na maakusahang komunista o terorista.
2. PAANO AT BAKIT SIYA HINULI?
Pagdakip
Noong Oktubre 23, 2008, dinukot ng mga elemento ng Philippine National Police provincial mobile group at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) si Atty. Saladero sa kanyang opisina, na nagsisilbi na rin niyang tahanan, sa Antipolo City.
Dala ng mga nasabing pulis at military ang isang depektibong warrant of arrest, na naglalaman ng maling spelling ng kanyang pangalan at maling address. Idinidiin siya sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder dahil sa pagkakasangkot umano niya sa isang ambush ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis sa Mindoro noong Marso 3, 2006.
Sapilitang inaresto at dinala sa Camp Vicente Lim sa Laguna si Atty. Saladero. Nag-iisa siya nang siya ay dukutin at lumipas din ang ilang oras bago siya pinayagang tumawag sa kanyang maybahay upang ipaalam ang nangyari.
Inilipat siya sa Mindoro provincial jail sa Calapan City kinaumagahan ng Oktubre 24. Nananatili siyang nakakulong dito kasama ang lima pang aktibista mula sa Timog Katagalugan hanggang sa kasalukuyan. 72 sila mula sa Timog Katagalugan na nahaharap sa parehong kaso ng multiple murder at multiple frustrated murder.
Bago ito, kinasuhan si Atty. Saladero at 26 iba pang lider ng progresibong organisasyon mula pa rin sa Timog Katagalugan ng arson, destruction of property, at inciting to rebellion. Itinuturo silang maysala sa pagpapasabog ng isang Globe telecom cellsite sa Lemery, Batangas noong Agosto 2008.
Motibo
Ang pagtataguyod ni Atty. Saladero ng katarungan sa lahat ng pagkakataon, lalo na para sa mga maralita, at kalimita’y laban sa mga awtoridad ng kapangyarihan, ay mga dahilan para ituring siyang kaaway ng estado ni Gloria Arroyo. Walang ibang pinakamakikinabang sa kanyang pagkakabilanggo kundi ang administrasyong Arroyo na nagtataguyod ng mga polisiyang umaapi sa mga manggagawa’t maralita.
Bukod sa pagtatanggol sa korte ng mga inaabuso niyang kliyente, ilang beses ding pinangunahan ni Atty. Saladero ang pagkuwestyon sa Korte Suprema ng legalidad ng calibrated pre-emptive response (CPR), state of emergency, at iba pa mapanupil na pakana ni Gloria Arroyo.
Sa pamamagitan ng Inter-Agency Legal Action Group (IALAG) na binuo ng Malacañang, tuwirang napangangasiwaan ang mga legal na opensiba laban sa mga tinataguriang ‘kaaway ng estado.’ Mismong si Commission on Human Rights (CHR) Chair Leila De Lima na ang nagsabing “panibagong anyo ng atake” sa mga kritikal sa gobyerno ang sistematikong pagsampa ng mga gawa-gawa at mabibigat na kasong kriminal.
Sa ilalim din ng programa ng gobyernong Arroyo na Oplan Bantay Laya II (OBL II), ang sinasabing kontra-insureksyong programa ay nagiging atake sa lahat ng oposisyon sa pamahalaan. Pinatindi ng OBL II ang pananalasa sa mga hayag na organisasyon. Lantaran na silang inuugnay sa mga teroristang grupo at inaakusahan ng kung anu-ano para maipahuli. Inaatasan din ang iba’t ibang ahensiya ng gubyerno na maging bahagi sa paniniktik at pagtugis sa mga kaaaway ng estado. Ginagamit ng gobyernong Arroyo ang lahat ng legal na mekanismo, tulad ng korte, husgado, at pulisya upang supilin ang mga progresibong grupo.
Kung nagawa nilang ipakulong ang isang abogado at tagapagtanggol ng karapatang pantao, magagawa ito ng gobyernong Arroyo sa kahit na kanino.
Ang pag-aresto at pagkulong kay Atty. Saladero ay hindi lamang pagkitil sa kanyang personal na kalayaan kundi isang direktang atake sa kanyang mga kinakatawan sa mga korte – mga manggagawa at masang pinagsasamantalahan at pilit na lumalaban para sa hustisya.
3. ANO ANG TUGON NATIN?
Ang ginagawang panunupil ng rehimeng Arroyo ay naglalayong makapaghasik ng lagim at takot sa hanay ng mga manggagawa at progresibo. Umaasa ang estado na hindi na epektibong makagagampan ng tungkulin ang mga lider manggagawa dahil sa takot na mapatay, madukot o kaya ay masampahan ng gawa-gawang kaso.
Kaya’t mahigpit na kinakailangan na makapaglunsad ng isang organisado at puspusang kampanya para sa kagyat na pagpapalaya kay Atty. Saladero at iba pa niyang kasama. Kaugnay nito ang panawagang itigil ang pang-aaresto at pagbabasura sa mga gawa-gawang kasong kriminal laban sa mga progresibo. Ang paglaya ni Atty. Saladero ay maghahawi ng daan para sa paglaya ng iba pang detenidong pulitikal at pagtigil ng pag-aaresto sa iba pa.
Sa ganitong konteksto, itinatag ang Free Atty. Remigio Saladero Jr, et al. Coalition.
Pormal na inilunsad ang Koalisyon noong Nobyembre 13, 2008. Ang pagtatag nito ay panimulang pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno, Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE) at Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR). Kasama rin ang iba’t ibang pederasyon, lokal na union, at mga institusyong pang-manggagawa. Bukas ang Koalisyon sa lahat ng organisasyon at indibidwal sa loob at labas ng bansa na nagnanais lumahok sa kampanya. Sisikaping abutin ng Koalisyon ang pinakamalapad na network at kasapian para magpakilos laban sa panibagong yugto ng atake ng gobyernong Arroyo.
MGA LAYUNIN NG FREE ATTY. SALADERO JR, ET AL. COALITION:
1. Makapagbigay ng lehitimong daluyan para sa paglikha ng pampublikong opinyon para sa dagliang pagpapalaya kay Atty. Saladero at kanyang mga kasama, habang naggigiit na maparusahan ang mga istraktura, personalidad, ahensya ng gubyerno at nakikipagsabwatang pribadong korporasyon na responsable sa patuloy nilang pagkakabilanggo.
2. Pakilusin ang pinakamalawak na posibleng suporta at gumawa ng mga kaukulang hakbang para sa dagliang paglaya ni Atty. Saladero, atbp. Makapagbigay ng mga kinakailangang suportang makinarya, at makapagpalitaw ng mga suportang materyal at pinansyal.
3. Mailantad ang tumitinding panunupil sa kilusang paggawa at progresibong kilusan ng mamamayan sa antas pambansa at pandaigdigan.
KATANGIAN NG FREE ATTY. SALADERO JR, ET AL. COALITION:
1. Isang taktikal na pormasyon ng mga ibat-ibang sektoral na organisasyon at mga personalidad mula sa akademiya, taong simbahan, mambabatas, abogado at mga samahang manggagawa at maralita.
2. Nakikipag-koordina sa iba’t-ibang inisyatiba at organisasyong itinayo may katulad na layunin tulad ng DEFEND ST ng mga taga-Southern Tagalog.
3. Mayroong Working Group na kinakatawan ng mga lider ng iba’t ibang pormasyong kasapi ng Koalisyon para sa pagbubuo at pagpapabuwelo ng mga plano at programa. Mayroong Kalihiman (Secretariat) sa hanay ng mga kasapi para sa pagpapatupad ng araw-araw na plano.
4. Ang pangangailangang pampinansyal ng Koalisyon para sa pagpapalaya kay Atty. Saladero, atbp. ay tutugunan mula sa iba’t ibang porma ng solisitasyon at fundraising projects.
5. Tulad sa kanyang pangalan, ibubungad ng Koalisyon ang panawagang Palayain si Atty Saladero, atbp. sa loob ng pangkalahatang panawagang Defend Human and Labour Rights Defenders! Ang iba pang mungkahing partikular na panawagan ay ang mga sumusunod
o Stop Criminalization of Activists!
o Release Atty. Saladero Jr, release all detained political prisoners!
o Stop the arrests and junk all criminal cases slapped against progressives!
o End the crackdown on the progressive trade union movement!
MGA PANGUNAHING PLANO AT PROGRAMA:
1. Pagsampa ng complaint sa mga kinauukulang ahensyang gobyerno upang maitaas ang antas ng presyur sa gobyerno.
2. Pagsasagawa ng mga gawaing public advocacy tulad ng forum, signature campaigns leafletearings, na magpapatampok sa kaso ni Atty. Saladero, atbp., at iba pang aktibidad na magpapalalim sa pag-unawa sa kasalukuyang estado ng karapatang pantao.
3. Pangangalap ng suporta at pagsampa ng complaint sa mga internasyonal na organisasyon katulad ng International Labor Organization (ILO).
4. Pag-organisa ng pressure mobilizations sa kung kailanman mapagpasyahan ng Koalisyon, tulad sa panahon ng court hearings
5. Pagsasagawa ng jail visits kay Atty. Saladero, atbp.
6. Pagpapalitaw ng rekurso para sa mga gastusin gaya ng legal battles, pangkalusugan ng mga bilanggo, transportasyon para sa jail visits, propaganda materials, atbp.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 22 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed