PGMA, numero-unong tagalabag ng mga pang-ekonomiyang karapatan ng mga Pilipino - KMU
Error
Related posts
- Gubyernong Macapagal-Arroyo ang dapat sisihin sa lalong pagdami ng tanggalan ng trabaho - KMU
- Malawakang kagutuman at kaguluhan patungong riots, pinangangambahan ng KMU
- Manggagawa at mga negosyante, nagkakaisang hindi nila nararamdaman ang pag-unlad ng ekonomiya na ipinagyayabang ng gobyerno
- KMU sa legacy ads: Sinungaling hanggang huli, yan ang Arroyo legacy
- Juan, nasa ‘hungerland’ dahil sa kawalang-trabaho, bagsak na agrikultura – KMU
Most discussed
”KAHIRAPAN pa rin ang ugat ng pinakamatitinding paglabag sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.” Ito ang sinabi ni Elmer ”Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw sa selebrasyon ng International Human Rights Day.
Ayon kay Labog, gayong patuloy ang pagdami ng kaso ng extra-judicial killings at enforced disappearence o pagdukot sa Pilipinas, mahirap sukatin ang dami at lala ng paglabag sa pagiging tao ng mga Pilipino sa kahirapang nagdudulot sa kanilang ”mabuhay ng mas malala pa sa mga daga”.
” Nakakalungkot na nagiging ordinaryong tanawin na sa atin na makita ang ating mga kababayang nagkakalkal sa mga basura upang may makain. Dumating na tayo sa panahon na dulot ng matinding kahirapan, nakikipagkumpetensiya ang maraming bilang ng mga Pilipino laban sa mga daga, aso at pusa para sa mga tira-tirang pagkaing naibasura na. Kung makatao pa ito, hindi ko na alam kung ano pa ang ibig sabihin ng makatao o disenteng pamumuhay,” sabi ni Labog.
Inirehistro ni Labog ang pag-aaral ng International Food Policy Research Institute (IFPRI) na nailabas nitong Nobyembre 2007 na 11 milyong Pilipino mula sa humigit kumulang na 1 bilyong tao sa buong mundo ang nabubuhay lamang sa US1$ kada araw. Ayon sa IFRI, nakasadlak sa extreme poverty o ”napakalalang kahirapan” ang sinumang nabubuhay sa US1$ bawat araw.
” Hindi maitatawa ng gubyernong Arroyo na sa 11 milyong Pilipino biktima ng napakatinding kahirapan ay ang mga Pilipinong hindi nabibigyan ng trabaho ng pamahalaan. Hindi rin nakapagtatakang kasama din dito ang ibang manggagawang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil na rin sa mga baluktot na programa at mga polisiya ng gubyernong Arroyo,” sabi ni Labog.
Ipinahayag din ni Labog na sa pagdami ng mahihirap na Pilipino sa bansa, isang kasinungalingan ang pagyayabang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga negosyante sa United Kingdom na siya’ y isang magaling na ekonomista.
” Hindi kailanman nakakakain ng mga mahihirap ang ipinagmamalaking datos ng paglago sa ekonomiya ni PGMA. Ang totoo mas lumulubha ang kanilang kalagayan dahil hanggang sa ngayon ipinapain pa rin niya ang mga Pilipino sa mga hayok na dayuhang mamumuhunan at malalaking negosyante upang makakuha ng mga pera na walang kahihiyang kinukurakot naman nila. Malinaw kung gayon na maging sa mga pang-ekonomiyang karapatan ng mga Pilipino si Gloria ang numerong unong lumalabag sa mga ito, ” diin ni Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
#1 Mahal Naming Pangulong
Mahal Naming Pangulong Gloria,
Magandang araw po sa inyo at sa lahat mo nga staff sa Malacañang. Ako po ay napilitan na magsulat dito dahil sa malaking problema ko ngayon. Kami ay isa sa libo libong nabiktima sa bahang Ondoy at lalo na kaming nahirapan dahil hanggang ngayon wala pa akong trabaho. Ako ay kasulukuyang naninirahan sa bahay na tinitirahan ng kapatid ko sa may gilid ng Pasig River, 44 Manggahan Street Extension, Bagumbayan, Quezon City. May pamilya po akong iniwanan ko sa Ozamiz upang maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Pero ang sobrang hirap sa paghahanap ng trabaho at wala din akong pera para sa araw araw na panggastos para sa pamasahe at pagkain pagpunta sa iba't ibang lugar upang maghanap ng trabaho. Nawalan na po ako ng pag-asa na makahanap ng trabaho. Ang pamilya ko naghintay sa akin na magpadala ako ng pera sa Ozamis para sa kanilang pagkain at pamasahe araw araw. Tatlo po ang aking mga anak at maliliit pa po sila. Ang edad nila ay: 11, 8, 4. Wala ding income ang asawa ko. Ang dalawa kong anak ay nag-aaral sa Ozamis City Central School. Grade 5 at Grade 2. Ang pangatlo kong anak ay mag kinder na rin. Sana po, matulungan mo ako na makahanap ng magandang trabaho para sa mga anak ko sa probinsya. Gusto ko na sanang sumuko at umuwi sa Mindanao dahil worried na po ako dahil hindi na ako nakapadala ng pera para sa pagkain ng pamilya ko sa Ozamis. Sana po, matulungan mo ako maka uwi man lang. Wala kasi akong pera kahit pamasahe man lang sa barko. Salamat po sa inyong kabaitan at pag uunawa sa sitwasyon namin ngayon.... More power and God bless you all....
Respectfully yours,
ELIGIO L. CLEMENA
44 Manggahan Street
Bagumbayan, Quezon City
PHILIPPINES
CELL: 0928-458-3254
Email Address: eli_300036@yahoo.com