Skip to main content

Paparaming employers di pa rin nagbabayad ng minimum na sahod

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileG8JwHx could not be copied.
2006/10/27 - 11:31am

Maraming kumpanya ang di pa rin nagbabayad ng minimum na sahod ayon sa militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) bilang reaksyon sa ulat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board- National Capital Region na maraming negosyo sa Kamaynilaan ang humihiling na malibre sa kakarampot na ngang P25-umento sa minimum na sahod.

"Noong nakaraang taon lamang aabot sa 52% sa Kamaynilaan ang lumalabag sa minimum wage standard," ayon kay Joel Maglunsod. Sinabi pa ng lider-manggagawa na malawakan ang paglabag na ito gayong wala na nga sa itinakdang "living wage" ang kasalukuyan P325 na minimum na sahod sa NCR. Aabot na sa P681.29 (August 2006) ang pangangailangan ng isang pamilya sa NCR para mabuhay nang makatao.

"Habang todo-himas sa mga kapitalista si Gloria, wala namang humpay ang kanyang paglabag sa aming mga karapatan na nakatakda sa konstitusyon para sa nakabubuhay na pasahod," pahayag pa ni Maglunsod. Aniya, nakatakda ang karapatang sa "family living wage and income" sa Art. X111, Sec. 3 at Art. XV, Sec. 3, No. 3 ng 1987 Constitution.

"Ngayon pa lang wala nang proteksyon at safeguard ang mga manggagawa dahil ang gobyerno mismo ang nagbabalewala sa konstitusyon hinggil sa mga dapat na karapatan ng manggagawa sa sahod," dagdag pa ni Maglunsod.

"Kaya hindi kaduda-duda na desperado ang administrasyon na baguhin ang konstitusyon kahit na sa pamamagitan ng isang malaking panloloko na kunwa-kunwariang people's initiative," aniya pa.

7-11 tindahan ng masa

Binatikos naman ni Maglunsod ang pagmamalaki ng administrasyon sa pagdagdag sa "Tindahan Natin" o rolling stores ngayong papalapit na ang Pasko na ani gobyerno'y pamamaraan para maramdaman ng taumbayan ang diumano'y pag-unlad ng ekonomiya. Inihalintulad pa ng pangulo sa mga 7-11 convenience store ang naturang mga rolling store.

"Sapat na umento at implementasyon nito ang kailangan ng taumbayan para maramdaman ang ipinagmamalaki ng gobyernong papaunlad na estadistika sa ekonomiya," pagtatapos ni Maglunsod.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments