Skip to main content

Protesta ng mamamayan di mapipigil ng paninitiktik at panunupil ng diktador na gobyerno ni Arroyo

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileQSUGM3 could not be copied.
2006/07/10 - 1:30pm

Habang bibirada na naman ang walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, patuloy naman ang paniniktik at panunupil ng gobyerno sa hanay ng transportasyon at manggagawa na nagpaplano ng mga pagkilos para magprotesta ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).

Muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ng P0.50 kada litro sa unang pagkakataon ngayong Hulyo matapos ang sunod-sunod ding pagtaas noong nakaraang dalawang buwan. Nagtaas ang Chevron Texaco bandang12 ng umaga noong Sabado na sinundan ng Petron Corp. at Shell kahapon ng alas-sais at alas-siyete y media ng umaga.

"Pero hindi mapipigilan ang mga protesta ng taumbayan dahil sa sobrang krisis na dulot ng administrasyong ito. Sa NCR pa lamang, hindi pa man naipatutupad ang P25 dagdag-sahod ay talagang lalamunin na lamang ito ng pagtaas pa lamang ng presyo ng langis" ayon pa kay Maglunsod na nagpahayag din ng pangamba dahil hanggang sa ngayon ay nawawala pa rin si Emerito Lipio, opisyal ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na kasama sa pitong dinukot at tinortyur na PISTON at KMU sa Angeles City Pampanga noong Hulyo 3.

Dinukot ang pito habang nagpupulong hinggil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at pagpaplano ng protesta at welga. Kahapon ay itinanggi ni Senior Superintendent Policarpio Segubre ng Angeles at ni Lt. Col. Ricardo Visaya, commander ng 69th Infantry Battallion na nasa kanila si Lipio. Patuloy ang panawagan ng mga kapamilya at kasama ni Lipio na ilabas na ng military ang lider-tsuper.

Nagbabala rin si Maglunsod na kahit mag-deploy pa ng 10,000 pulis at magpakalat ng ahente ang gobyerno sa araw ng State-of-the-Nation-Address ng Pangulo sa Hulyo 24, tiyak na babaha pa rin ang mamamayan sa kalsada para magprotesta, "Ang akala ng gobyerno, matatakot ang mga tao sa kanyang all-out war. Ang totoo, lalo lamang nauunawan ng masa kung bakit kailangang patalsikin ang diktador na si Gloria at mga galamay nito."

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments