Panawagan ng mga obrero sa Senado - suportahan ang legislated wage hike
Error
2007/01/05 - 12:15pm
Related posts
- Senado, babantayan ng mga obrero; desisyon sa P125 dagdag sahod, inaabangan
- Dagdag sahod, patuloy na igigiit ng mga manggagawa sa kabila ng pag-urong sulong ng Kongreso
- Malakanyang, padrino ng mga negosyante; pagharang ni Arroyo sa P125 malaking dagok sa mga kandidato ng administrasyon
- Sa pagbubukas ng Kongreso: KMU, nanawagan ng Senate bill para sa dagdag-sahod
- Resounding success of P125 wage hike call puts its adversaries on the defensive
Nanawagan ngayon ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa mga Senador na suportahan ang panukalang legislated wage increase para sa mga obrero. Sa ipinatawag na hearing ni Sen. Jinggoy Estrada, Chairman ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment kaugnay sa P100 wage bill na nakasampa sa Mataas na Kapulungan.
Ayon sa KMU, natutuwa sila mga pagsisikap ni Sen. Estrada na isulong ang P100 wage bill. "Malaking tulong ang ginagawa ni Sen. Estrada sa pagpapatupad ng legislated wage hike na napakatagal nang ipinaglalaban ng mga manggagawa.
"Ibubuhos ng mga manggagawa ang ang suporta nila sa P125 legislated wage increase o House Bill 345 na aprubado na sa Mababang Kapulungan, ani Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU. Kailangan maipatupad na ang across-the-board P125 dagdag sahod sa lalong madaling panahon.
Hinikayat rin ng grupo ang mga Senador na sagutin ang mga pananakot at kontrang paninindigan ng mga kapitalista sa anumang legislated wage hike. "Dapat may positibo at iisang paninindigan ang Senado sa kaugnay sa panukalang dagdag sahod. Dapat din na pabor ito sa mga manggagawa.
Sa sobrang hirap ng buhay at matinding krisis, kailangang-kailangan ang makabuluhang umento."
Sa pagtantya ng KMU, aabot sa P600-800 kada buwan ang dagdag na gastos ng isang pamilya ngayong unang buwan ng 2007 dahil sa epekto ng panibagong pagtaas ng LPG at mga pangunahing bilihin.

Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed