Panawagan ng mga obrero sa Pambansang Kamao - "Manny, sana dalawin mo si Ka Bel"
Error
2006/11/20 - 9:54am
Related posts
- Buhay na halimbawa at inspirasyon si Ka Bel sa manggagawa at taumbayan
- State of National Emergency sa Mayo Uno, panakot lang ni Gloria
- Suportado si State Prosecutor Hazel Valdez sa paglaban para kay "Nicole": SALUDO KAMI SA 'YO!
- Filipino workers welcome Manny Pacquiao to wage fight
- "Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa", iginiit ng KMU
Nagpahayag ng mainit na pagbati ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa muling pagkapanalo ni Manny "Pacman" Pacquiao sa laban nito kahapon kay Erik Morales sa Las Vegas, Nevada.
"Natutuwa kami sa panibagong karangalang iniuwi ni Manny para sa mga Pilipino. Patunay lang ito na hindi basta-basta sumusuko ang mga Pinoy at nananatiling nakatindig pa rin kahit sa harap ng matitinding laban at panganib," ani KMU Chairman Elmer Labog.
"Mula pa noong una, suportado na ng mga manggagawa si Manny Pacquiao. Bukod sa panonood ng basketball, ang boxing ang isa sa paboritong libangan ng mga karaniwang obrero. Sa katunayan, isa si Anakpawis Kongresman Crispin Beltran sa mga masugid na sumusubaybay sa boxing career ni Manny," ayon pa sa lider manggagawa.
Kasabay nito, nagpaabot ng imbitasyon ang KMU at Anakpawis sa tinaguriang "Pambansang Kamao" na dalawin sa Philippine Heart Center (PHC) si Ka Bel kung saan naka-confine ang mambabatas mula nang siya ay hulihin noong Pebrero."
"Gusto sanang personal na batiin ni Ka Bel si Manny pero di niya magawa dahil hanggang sa ngayon illegal pa rin siyang ikinukulong ng gobyerno dahil sa mga gawa-gawang kaso."
"Kahit parang ilang sandaling tumigil ang oras at parang napawi ang problema ng mamamayan sa panonood ng laban at pagkapanalo ni Manny, tuloy pa rin ang totoong laban. Sana sa panibagong tagumpay na ito ni Manny, huwag niyang kalimutan ang mga tagasuporta nya na karamihan ay mahihirap."
"Sana huwag makalimot sa pinanggalingan niya si Manny. Habang nananalo siya sa laban, sana manatili siyang mapagkumbaba at malapit sa mga maliliit. Higit sa lahat, huwag sana siyang magpagamit sa iilang pulitiko na gustong gamitin ang kasikatan at impluwensiya ni Pacman para sa darating na eleksyon," giit pa ni Labog.
"Sana rin ma-knock out na ang mga tunay na problema ng taumbayan gaya ng kahirapan, korapsyon at kawalan ng katarungan na siyang nangingibabaw ngayon sa ilalim ng liderato ni Gloria Macapagal-Arroyo."

Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed