Skip to main content

Panawagan sa international community para palayain si Ka Bel, lumalakas

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileK9b7CS could not be copied.
2006/05/06 - 12:56pm

Nakatakdang bumisita kay Anakpawis Rep. at KMU Chairman Emeritus Crispin "Ka Bel" Beltran sa Philippine Heart Center ngayong araw ang mga delegado ng International Labor Solidarity Mission (ILSM) na layong imbestigahan ang mga serye ng pagpaslang sa mga manggagawa at unyonista sa bansa.

Nagsagawa ang ILSM ng fact-finding mission noong Mayo 2-5 sa Central Luzon, Southern Luzon, Negros at Sourthern Mindanao. Ang mga delegado ay pawang mga unyonista at tagasuporta ng mga manggagawa na nagmula pa sa United States, Canada, Denmark, Belgium, Australia, New Zealand, Hong Kong, South Korea, Taiwan, Nepal, at Bangladesh.

Ayon kay Tess Dioquino, Kalihim ng International Department ng KMU, "Lumalakas ang panawagan sa international community para palayain Ka Bel."

Sinabi ni Dioquino na ang pagbisita ng mga delegado ng ILSM kay Beltran ay bahagi ng pakikiisa ng mga dayuhang lider-unyon at mga manggagawa sa kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa, "Kung hindi pinapatay ay kinukulong ang mga lider-manggagawa katulad ni Ka Bel na walang kasalanan kundi ang ipagtanggol ang interes ng mga manggagawa katulad ng P125 umento sa sahod at iba pang karapatang pang-unyon."

Sinabi pa ni Dioquino na patuloy na binabaha ang kanilang departamento ng sulat at email mula sa iba't ibang bansa na nagpapahayag ng pagsuporta kay Beltran. Patuloy din ang mga kilos-protesta ng mga tagasuporta ni Beltran sa ibang bansa tulad ng Austria , Hongkong , US , Belgium , Japan at iba pa, "Sa ganitong mga papatinding panunupil sa bansa ay lalong napapatampok ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga manggagawa sa internasyunal na antas para higit na mapaabot sa international community ang kalagayan ng mga manggagawa rito."

Magkakaroon ng public presentation sa resulta ng fact-finding mission bukas, Mayo 7 sa PETA Theater sa Quezon City .

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments