Skip to main content

Pananakot ng PNP laban sa mga magpapahayag sa demonstrasyon sa Pebrero 25, hindi uubra - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filebuCNiT could not be copied.
2008/02/21 - 3:15pm

NAGBABALA ngayon ang militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Philippine National Police (PNP) na huwag mag-imbento ng gawa-gawang kaso sa mga demonstrador na sasama sa malaking rali sa Pebrero 25.

Ayon kay Prestoline Suyat, Tagapagsalita ng KMU, na ang pahayag ni PNP Spokesperson Senior Supt. Nicanor Bartolome na minomonitor nila ang mga pahayag ng mga nagsisidalo sa mga rali kung ito man ay may lamang-sedisyon o lumalabag sa Anti-Terror Law ay simpleng pananakot at harasment.

“ Halos dalawang taon na ang nakaraan nang kasuhan ang aming Chairman Emeritus na si Cong. Crispin ’Ka Bel’ Beltran ng kasong rebelyon dahil diumano’y pagsasalita nito sa rali noong Pebrero 24, 2006 sa EDSA Shrine at Makati na di umano’y may lamang sedisyon. Dalawang upisyal ng PNP ang nagdiin sa kaniya sa kanilang affidavit. Ang totoo nito, ni hindi nakapagsalita si Ka Bel sa araw na iyon dahil sa nilikhang kaguluhan ng pagdedeklara ni Gloria Macapagal-Arroyo ng state of emergency. Kung nagawa nila ito dati, magagawa uli ng PNP na mag-imbento ng gawa-gawang kaso laban sa lider-masa at iba pang demonstrador na mapayapang nagpapahayag lamang ng mga lehitimong isyu at panawagan,” sabi ni Suyat.

Inirehistro rin ni Suyat na ang bantang pagsasampa ng kaso at paghuli laban sa mga demonstrador ay hindi makakapigil upang dumalo ang pinakaraming bilang ng mga Pilipino sa Pebrero 25 at sa Pebrero 29.

” Bistado na ng taumbayan ang modus-operandi ng PNP, AFP at Malakanyang na takutin silang huwag dumalo kapag may nanawagan ng malaking rali laban sa pag-aabuso ng gubyernong Arroyo. Maliban pa na nanakot silang manghuhuli, lagi silang naglulubid ng kasinungalingan na may impiltrador na miyembro ng NPA sa mga rali na maghahasik ng kaguluhan o di kaya’y magpapasabog ng bomba. Tinitiyak naming kaya naming bantayan ang seguridad ng aming rali. Ang totoo mas nangangamba kami sa PNP at sa AFP na hanggang ngayo’y suspek sa pambobomba sa Glorietta mall sa Makati noong Oktubre 19, 2007 na naging panlihis o diversionary tactic sa panahong sumasabog sa mukha ng pamahalaang Arroyo ang mga isyu ng NBN Broadband Deal at ang P500,000 na suhol sa mga congressmen sa Malakanyang o Pay-off in Malacanang controversy,” paliwanag ni Suyat.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments