Skip to main content

Pananahimik ni Labor Sec Marianito Roque sa nagaganap na panunupil at pamamaslang sa kilusang paggawa, binatikos ng mga obrero

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileDI5i6B could not be copied.
2008/11/25 - 12:56pm

NAGPIKET ngayong umaga ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang singilin ang pananahimik nito sa nagaganap na tumitinding panunupil sa kilusang paggawa.

Ayon kay Doods Gerodias, tagapangulo ng Association of  Democratic Labor Organizations (ADLO-KMU), nakakabahala ang pananahimik ni Labor Secretary Marianito Roque sa nagaganap na ilegal na pag-aresto, tangkang pamamaslang at aktuwal na pagpatay sa mga lider-obrero at mga manggagawa.

“ Nakakabingi ang katahimikan ng gubyernong Macapagal-Arroyo, partikular ni Labor Secretary Roque sa pagpatay sa kapwa namin manggagawa sa  Davao del Norte na si Rolando Antolihano noong Nobyembre 10,  tangkang pamamaslang kay Arnold C. Serdo bise-presidente ng Sensuous Union Labor Organization at bayaw niya nitong Nobyembre 6 sa Calamba, Laguna at ang ilegal na pag-aresto kanila Atty. Remigio Saladero Jr.  at Arnaldo Seminiano dulot ng gawa-gawang kaso. Ang katahimikan bang ito ay nangangahulugan na wala silang pakialam sa aming mga manggagawa o kakutsaba sila sa tumitinding panunupil sa amin?,” ani Gerodias.

Iginiit din ni Gerodias na hindi lamang kailangang magpahayag ng pagkondena si Labor Secretary Roque sa mga panunupil na ito kundi magpatawag ng imbestigasyon at gumawa ng hakbang upang makakuha ng katarungan ang mga biktima.

“ Nakakalungkot na ang pinagkakaabalahan ni Sec. Roque ay ang pagpapainterview sa media at gayahin ang mga pahayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na walang epekto ang nagaganap na lumulubhang krisis pampinansya sa mundo sa Pilipinas at hindi magkakaroon ng maraming tanggalan sa trabaho. Nagsisinungaling na nga sila, wala pa silang ginagawa sa kriminalisasyong ginagawa sa aming nagtatanggol lang sa aming sahod, trabaho at karapatan, “ himutok ni Gerodias.

Inirehistro rin ng lider-manggagawa na  ang naganap na piket ay simula pa lamang ng serye ng kilos-protestang isasagawa nila upang konkretong kumilos ang DOLE  at ang gubyernong Macapagal-Arroyo.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments