Pambansang pagkakaisa ng mga obrero, ipinanawagan
Error
2005/01/08 - 12:23pm
Related posts
- Lisensya sa masaker sa Luisita: KMU, muling nanawagang ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- Pambansang Lakbayan para sa lupa at katarungan, suportado ng obrero
- Pagbasura sa Assumption of Jurisdiction, hakbang tungong hustisya sa Luisita
- ‘Bago ang Maguindanao, may Luisita’; Pagmasaker ng militar sa manggagawa ng Luisita, tinuligsa sa piket sa DND
- KMU handa sa bakbakan laban sa Con Ass
Dahil sa patuloy na pagsambulat ng karahasan laban sa mga nagwewelgang manggagawa at manggagawang-bukid at mga tagasuporta sa Hacienda Luisita, nanawagan ng pambansang pagkakaisa sa hanay ng mga manggagawa ang Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay Ka Lito Ustarez, Pangalawang Tagapangulo ng KMU, napapanahon lamang ang panawagang ito sa sunod-sunod na atake sa mga nagwewelga sa Hacienda Luisita. Pambansa ang labang ito dahil hindi lamang ito laban ng mga manggagawa’t manggagawang bukid doon, kundi ng buong hanay ng pinagsasamantalahang anakpawis.
“Larawan ng matinding pambabastos sa karapatang-tao ng mga manggagawa sa ating lipunan ang nagaganap sa asyenda dahil ang paglaban para sa nakabubuhay na dagdag-sahod at kalagayan sa paggawa ay humantong sa karima-rimarim na masaker at mga sumunod na karahasan.” dagdag pa niya.
Nito lamang Miyerkules, malubhang nasugatan sa isa na pang insidente ng pamamaril sa asyenda sina Ernesto Ramos at Jorge Loveland sa gitna ng presensiya ng kapulisan.
Isang araw bago ng insidenteng iyon, pinagbubugbog ang dalawang manggagawa mula sa United Luisita Workers’ Union (ULWU) ng mga kapitan at tanod mula sa Barangay Mabilog at Barangay Parang, na ayon sa ULWU ay kapwa mga bataan ng pamilya Cojuangco.
Sinabi ni Ustarez na nakakabahala ang sunod-sunod na karahasan matapos ang madugong masaker noong nakaraang taon, “Tiyak na nagluluto ang mga Cojuangco ng isa na namang madugong atake sa lehitimong paglaban ng mga welgista.”
Pinagdududahan din ng lider-manggagawa kung kayang imbestigahan ng pulisya ang mga karahasan. Aniya, kitang-kita naman umano kung saan panig ang kapulisan sa lantarang kainutilan nito sa mga nagaganap na atake sa mga welgista sa asyenda.
Ayon naman kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, magkakaroon ng sunod-sunod na mga pagkilos ang mga manggagawa bago ang kilos-protesta sa Mendiola sa darating na Enero 14. Magkakaroon ng rali sa mga tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Enero 10. Isang candlelighting naman ang ilulunsad sa may PNB Cubao sa Enero 12. Magsasampa naman ng kaso sa susunod na araw ang mga biktima ng masaker sa asyenda sa tanggapan ng Ombudsman.

Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 17 hours ago - The past employee who started
2 days 16 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 20 hours ago - Responsabile di global
4 days 21 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 21 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 21 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom

4 days 21 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 22 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 22 hours ago
Most discussed