Pagtambang sa lider ng Partido Manggagawa kinondena ng KMU
Error
2006/11/21 - 1:51pm
Related posts
- Partido Manggagawa leader ambushed; Workers killed under Arroyo government reach 73
- Lider-unyon na pinaslang sa Cavite, ika-74 sa ilalim ng gobyernong Arroyo
- Sa pagpaslang kay Bishop Ramento, Human rights watchdogs mula Europa dapat nang bumisita!
- Imbestigasyon sa masaker sa 6 na manggagawa, madaliin
- KMU kinondena ang tangkang pag-aresto sa Malacañang beat reporter
Kinondena ngayong araw ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagpaslang kay Andrew Iñoza, lider ng unyon sa Alaska Corporation na kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at Tagapangulo ng Partido Manggagawa sa Unang Distrito ng Laguna.
Ayon sa KMU, ika-73 si Iñoza na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa hanay ng kilusang paggawa. “Lubhang nakakagalit ang ginagawang pagpaslang sa mga manggagawa.”
Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo papasok ng trabaho si Iñoza mula sa tahanan nito sa Barangay Landayan nang ambusin ng di pa nakilalang mga salarin sa Bgy. Poblacion bandang 7:45 am ngayong araw. Namatay on-the-spot ang biktima.
Ani Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, “Patunay ang pangyayari na isa sa pangunahing target ng pamamaslang ay ang kilusang paggawa. Mas malinaw na ngayon na kahit hindi kasapi o lider ng KMU basta manggagawa na lumalaban para sa makataong pasahod, trabaho at mga karapatan sa mga pagawaan ay target na rin ng panunupil at karahasan.”
Ayon sa lider, wala silang ibang sisisihin sa sinapi ni Inoza kundi ang militar at mga ‘death squads’ na pumapatay sa mga nagsusulong ng pagbabago sa lipunan.
Kamakailan lamang nagpahayag na pati mga dayuhang negosyante sa ilalim ng Joint Foreign Chambers of Commerce (JFC) ng pagkaalarma sa walang humpay na pampulitikang pamamaslang sa bansa.
Gayundin, naging matagumpay ang isinagawang pagkilos sa ibang bansa bilang pagsuporta sa panawagan ng pagtigil sa pampulitikang pamamaslang sa Pilipinas at paghingi ng katarungan sa mga biktima.

Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 17 hours ago - The past employee who started
2 days 16 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 21 hours ago - Responsabile di global
4 days 21 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 21 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 21 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom

4 days 21 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 22 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 22 hours ago
Most discussed