Paglaya ni Prof. Joma Sison - “Strike 3” kay National Security Adviser Norberto Gonzales - KMU
Error
2007/09/14 - 9:11pm
Related posts
- Pagtitiyak sa malawak na pang-ekonomiyang interes ng Dutch government sa Pilipinas, dahilan sa paghuli kay Prof. Sison
- Protection of the vast economic interest of the Dutch government in the Philippines, behind Prof. Jose Maria Sison’s arrest
- Pahayag hinggil sa delisting ni Prop. Sison mula sa EU terror list
- Arrest of Prop. Joma Sison, handiwork of U.S. and Arroyo gov’ts -- KMU
- Pulitika, negosyo ang nasa likod ng pag-aresto kay Prof. Sison
TINAWAG ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) na “Strike 3” kay National Security Adviser Norberto Gonzales ang paglaya ni Prof. Jose Maria Sison mula sa kulungan ng Netherlands kahapon.
Ayon kay Wilson Baldonaza, pangkalahatang-kalihim ng KMU, na isa muling kahihiyan kay Gonzalez ang palayain si Prof. Sison ng korte ng Netherlands tulad nang mapalaya ang mga progresibong congressmen na tinawag na “Batasan 5” mula sa “HOR Arrest” noong Mayo 8, 2006 at ang paglaya naman ni Anakpawis Cong. Crispin 'Ka Bel' Beltran nitong Hulyo 10, 2007 nang ibasura ng Korte Suprema ang kasong rebelyon na isinampa sa kanya.
“Sa pampulitikang persekusyon na ginawa sa Batasan 5, kay Ka Bel at Prof. Sison ng gubyernong Arroyo, si Gonzalez ang nanggagalaiti at nangunguna upang sila'y makulong at palabasing mga demonyo sa publiko. Inatasan pa nga siya ni Pangulong Arroyo kamakailan na upisyal ng gubyernong magkokonsentra sa kaso ng propesor upang tuluyan siyang madiin. Tiyak na tumaas muli ang blood pressure niya nang makumpirma na pinalaya na si Joma kahapon,” sabi ni Baldonaza.
Tinuya rin ng lider-manggagawa si Gonzalez na “ kumain na lamang ng saging” kung tumaas nga ang blood pressure nito dahil sa panibagong kabiguang natanggap mula sa utos ng korte.
Kung matatandaan, pinakain ng saging si Norberto Gonzalez nang tumaas ang blood pressure niya sa isang hearing sa Senado nang pagtatanungin ng mga senador hinggil sa $1 million Venable LLP lobby contract.
Samantala, inirehistro rin ni Baldonaza, na isang sampal din kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paglaya ni Sison dahil tinawag niyang “isang hakbang para sa kapayapaan” nang hulihin si Joma noong Agosto 28.
“Sampal kay Gloria ang paglaya ni Joma mula sa gawa-gawang kasong itinulak nila para sa gubyerno ng Dutch. Lalo lamang pumangit ang imahe ng kanyang gobyerno sa international community dahil sa ginawa nila sa propesor. Naniniwala kaming ang malawak at maraming protesta mula sa iba't ibang bansa sa mundo ang nakatulong upang mapressure ang gobyerno ng Netherlands upang mapalaya si Joma. Siyempre, mula't sapul, wala namang ebidensiyang magsasabing si Sison nga ang nag-utos para patayin sila Kintanar at Tabara,” paliwanag ni Baldonaza. #

Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed