Skip to main content

PAGBAYARIN ANG MGA KRIMINAL SA MENDIOLA MASSACRE; USIGIN ANG MGA BAGONG BERDUGO NG TAUMBAYAN

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/file6jeMIQ could not be copied.
2007/01/23 - 12:01am
Mendiola MassacreIGINIIT ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw na katarungan hindi lamang ng pamilya ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang dapat ibigay kundi sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-20 anibersaryo ng Mendiola Massacre.

Sinabi ni Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU na ang brutal na pagpatay sa 13 magbubukid at manggagawa 20 taon na ang nakaraan ay krimen sa sambayanan na nakikipaglaban para sa lupa at panlipunang katarungan.

" Ang anumang atake at pagpaslang sa maliliit nating kababayan at kapatid ay kasalanang dapat na ang buong bayan ang maningil. Napakalinaw na ang walang-awang pamamaril sa Mendiola noon ay mensahe ng naghaharing-uri sa ating lipunan kasama ang mersenaryong militar at pulis na tayo'y kanilang kaaway at dapat na lupigin maging sa ating mga lehitimong mga karaingan at ipinaglalaban. Katarungan kung gayon ang hindi naglalahong panawagan natin sa lahat," paliwanag ni Labog.

Inirehistro rin ni Labog na hindi maaaring maghugas ng kamay sina dating Pangulong Corazon Aquino, dating Pangulong Fidel V. Ramos, mga matataas na upisyal ng militar at pulis noon at mga upisyal ng Department of Agrarian Reform sa naganap na masaker.

"Hindi malilimot ng taumbayan ang kanilang naging pananagutan at responsibilidad sa madugong pagsalakay at pagpatay sa ating mga kababayan noong Enero 22, 1987. Panahon na lamang ang magsasabi na ang katarungan para sa masang anakpawis ay hahabol at aabot sa kanila upang sila'y panagutin," sabi ni Labog.

Ipinahayag din ng lider-manggagawa na panahon na rin upang usigin ang mga bagong berdugo na hayok sa dugo ng masang anakpawis at iba pang maralita.

" Hindi dapat nating palagpasin ang mga krimeng ginawa nina dating Agriculture undersecretary Joc-joc Bolante na nagnakaw sa P728 million fertilizer fund, ang maramihang pamamaslang na ginagawa ni dating-Heneral Jovito Palparan at ngayo'y ang tangkang pagwaldas sa coco-levy funds ng gubyernong Macapagal-Arroyo. Sila at ang iba pa ang mga makabagong berdugong nagpapahirap at pumapatay sa masang magbubukid, manggagawa at iba pang aping uri sa ating lipunan," pagwawakas ni Labog.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments