Pagbabago sa Batas Paggawa dapat pabor sa mga obrero at pambansang industriyalisasyon
Error
2006/10/02 - 9:08pm
Related posts
- Senado, babantayan ng mga obrero; desisyon sa P125 dagdag sahod, inaabangan
- KMU handa sa bakbakan laban sa Con Ass
- KMU, ginunita ang ‘1982 Black Friday,’ tinuligsa ang nagpapatuloy na diktadura kay Arroyo
- 24 taon matapos ang Edsa Radikal na pagbabago, kailangan pa rin – KMU
- Pagbasura sa Assumption of Jurisdiction, hakbang tungong hustisya sa Luisita
Most discussed
Sinagot ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pahayag ni Senador Edgardo Angara na nakakasagabal na ang Labor Code sa maraming industriya sa bansa.Ayon kay KMU Chairman Elmer Labog, di rin garantiya ang pagbabago ng Batas Paggawa sa pagtitiyak na magsisilbi ito sa interes ng mga manggagawang Pilipino at sa tunay na pag-unlad ng bansa. Giit pa ng lider manggagawa, ilang taon na ring nakasalang sa Kongreso ang Labor Code Amendments pero marami pa ring butas sa mga pagbabagong nais ilagay sa Batas Paggawa.
"Marami pang punto at probisyon sa panukalang Labor Code Amendments ang tinutulan namin dahil gagawin lang nitong mas masahol ang kasalukuyang pangit nang Batas Paggawa.
"Gusto ng mga manggagawa ng pagbabago sa Batas Paggawa pero ayaw namang tanggapin ng Kongreso ang mga pagbabago na nais naming mailagay sa panukalang batas. Sa halip, mga probisyon lang na susuporta sa Charter Change ang mayorya sa mga itinutulak na amendments sa Batas Paggawa," ani Labog.
Dagdag pa niya, marami na talagang probisyon sa Batas Paggawa ang paso na o obsolete at di na aplikable sa kasalukuyan. Dahil dito, maraming mga employer at negosyante ang di sumusunod dito at gumagawa pa ng mga unfair labor practices at lumalabag sa labor standards na itinatakda ng batas. Kaya kahit nariyan at epektibo pa rin ang Batas Paggawa, halos wala na itong silbi sa pagproteksyon at pagtitiyak ng interes, kapakanan at karapatan ng mga obrero. Bukod dito, nagpatupad na ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng Labor Standards Enforcement Framework (LSEF) o self-inspection at voluntary inspection sa mga empresa. Malawakan na ang paglabag ng mga employer sa Batas Paggawa."
Ani pa ng lider manggagawa, ilan sa pangunahing dahilan sa pagbabago ng Labor Code ang pagsunod sa globalization trends gaya ng paglelegalisa sa flexible labor, contractualization at mababang pasahod at hindi para sa benepisyo ng mga obrero. "Ang susuportahan naming pagbabago sa Batas Paggawa ay 'yung magtitiyak sa mga panawagan ng mga manggagawa at sa pambansang industriyalisasyon na makakatulong sa pangmatagalan at tunay na pag-unlad ng ekonomiya para sa mamamayan at hindi lang para sa mga negosyante at dayuhan," pagtatapos ni Labog.
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
#1 ;;;wla lng
;;;wla lng