Sa P125 dagdag sahod, dedma pa rin ang Kongreso!
Error
2005/01/27 - 12:13pm
Related posts
- Sa pagbubukas ng Kongreso: KMU, nanawagan ng Senate bill para sa dagdag-sahod
- Dagdag sahod, patuloy na igigiit ng mga manggagawa sa kabila ng pag-urong sulong ng Kongreso
- Karapatan ng lahat ng tao ang mabuhay kaya dapat nang aprubahan ang P125 dagdag sahod
- Dagdag sahod at huwag eleksyon ang atupagin ng mga mamababatas ngayong bakasyon – KMU
- Planong dagdag-buwis, mariing kinondena ng KMU, Anakpawis
Labis ang galit ang ipinakita ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa mabilisang pag-aapruba ng House Bill 3555 o Expanded VAT Bill sa Kongreso kahapon nang wala man lang pagsasaalang-alang sa magiging epekto nito sa kabuhayan ng milyun-milyong nagugutom na konsyumer at manggagawa habang wala man lang reaksyon ang mga Kongresista sa isyu ng dagdag sahod.
“Lubhang nakagagalit na naipasa ito sa plenaryo ng Kongreso gayong kwestyonable ang naging proseso nito mula pa lamang sa Committee on Ways and Means. Ni hindi man lamang dininig ng ang panig ng mga manggagawa, konsyumer at iba pang apektadong sektor sa halip, sinunod ang atas ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mailusot ito sa pinakamadaling panahon,” ani KMU Vice Chairperson Lito Ustarez.
“Nasaksihan namin sa loob ng plenaryo ng Mababang Kapulungan kung paanong naging mga bulag na tagasunod ng Malakanyang ang mga Kongresista. Ni hindi man lamang nagkainteres na himayin ang bawat detalye ng VAT bill at minadali ang botohan para maipasa ito. Nakakalungkot ang pahayag ng ilang kongresista na bakit pa raw nila pahihirapang pagdiskusyunan ang bawat detalye nag batas gayong ipapasa rin naman ito,” hirit pa ni Ustarez.
Pinagdiinan ng lider manggagawa na kung talagang nais ng gobyerno na makalikom ng pondo, dapat ay pagpursigihin na lamang ng Bureau of Internal Revenue ang pangongolekta ng buwis at pagtatanggal ng sandamukal na exemptions sa buwis sa malalaking negosyo pati na rin sa mga dayuhang negosyo. “Batay sa mga pagsisiyasat, halos 40% ng kasalukuyang VAT o mahigit P100 bilyon ang hindi episyenteng nakokolekta ng BIR. At kung tatanggalin lamang ang hindi mabilang na exemptions sa mga malalaking negosyo, kaya pang kumolekta ng gobyerno nag mahigit P200 bilyon. Kaya kung tutuusin, barya lang ang P40 bilyon target na koleksyon sa VAT kung magiging episyente lamang ang gobyerno sa pangongolekta ng buwis.”
Banat pa ni Ustarez, dismayado ang mga manggagawa dahil wala pa halos isang buwan mula nang simulang itulak sa Kongreso ang VAT ay naipasa na agad ito. “Samantalang ang P125 dagdag sahod, inabot ng halos 3 taon bago naipasa sa committee level, at magdadalawang taon na sa plenaryo subalit mabagal pa sa pagong ang pag-usad. Dito kitang-kita na sa pagpapahirap sa taumbayan, ni halos hindi na nila pinag-iisipan, habang ang panukalang dagdag-sahod, tila dumadaan sa butas ng karayom!”

Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed