Skip to main content

Sa anomalya sa nursing board exam, nurses sa mga pampublikong ospital lalong magkukulang

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filessXhge could not be copied.
2006/08/16 - 4:48pm
Nanindigan ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na dapat nang matigil ang masamang ehemplo ng pandaraya at panloloko na pinasimulan mismo ni Gloria Macapagal-Arroyo noong nagdaang 2004 presidential elections.

"Kung mismong ang pinakamataas na pinuno ng bansa ay nakakalusot sa pandaraya sa eleksyon, di maiiwasan na may ilang maglakas loob na gumaya at gumawa ng mga akto ng pandaraya," ani KMU Chairman Elmer Labog.

Ayon kay Labog, ang nakikita nilang labis na mapeperwisyo sa sinasabing naganap na leakage sa nakalipas na Nursing Board Examinations ay ang 42,000 nursing graduates na kumuha ng Board Exam at ang kanilang mga magulang at pamilya.

"Napakahirap magpatapos ng pag-aaral sa ngayon. Halos iginagapang na lang ng mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak. Napakasakit ng pangyayaring ito para sa mga magulang."

Giit ng grupo, dapat imbestigahang mabuti ang isyung ito at panagutin ang mga maysala. "Malaki ang implikasyon nito sa pagtatrabaho ng mga nursing graduates na kasama sa June batch ng Nursing Board examinees. Gayundin sa pangangailangan ng ating mga lokal na ospital para sa mga karagdagang nurses at hospital workers.

Nagsalita na ang PGH at iba pang pampubliko at pampribadong ospital na hindi sila kukuha ng nurses na kasama sa batch na ito. Kung ganito, mas magkakaroon ng kakulangan sa nurses lalo na sa mga public hospitals.

Ayon sa pag-aaral na inilabas ni Dr. Jaime Galvez Tan, Executive Director ng National Institutes of Health at dating Vice Chancellor for Research ng University of the Philippines-Manila, mahigit 100,000 Pilipinong registered nurses na ang nag-abroad para magtrabaho mula 1994. Sa matinding kakulangan ng mga qualified nurses sa bansa, umaabot na sa 1:50 hanggang 1:100 ang ratio ng isang nurse sa bilang ng mga pasyente.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments