CONG. NOGRALES, NAGPAPAKITA NG TUNAY NA KULAY NA ANTI-MANGGAGAWA
Error
Related posts
- Public hearing ngayong araw ng wage board sa NCR, dinagsa ng protesta
- Pagbarat sa umento sa NCR, susundan sa mga rehiyon
- KMU reiterates P125 legislated wage increase, across-the-board, across-the-country in one grant within a year
- Incoming DoLE Secretary Arturo Brion must initiate dialogue with labor groups
- Karapatan ng lahat ng tao ang mabuhay kaya dapat nang aprubahan ang P125 dagdag sahod
BINATIKOS ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong umaga si Majority Floorleader Cong. Prospero Nograles Jr. sa deklarasyon nito na ibabalik ang House Bill 345 sa Committee on Labor and Employment ng Kongreso sa halip na ipapasa na ito sa 3rd and final reading.
Ayon kay Cong. Nograles, hindi na magkakaroon deliberasyon sa 3rd reading ang HB 345 na magbibigay ng staggered na P125 dagdag-sahod sa mga manggagawa dahil sa mga desisyon ng regional wage boards.
Tinuligsa ni Joel Maglunsod, Pangkalahatang-kalihim ng KMU, ang posisyon ni Cong. Nograles na nagpapakita lamang diumano na anti-manggagawa ang mambabatas at hindi sinsero sa pagsusulong ng makabuluhang dagdag na sahod sa mga manggagawa.
“ Matapos ang mababaw na dahilan ni Cong. Nograles na luma na at mabagal ang imprenta ng Kongreso kaya’t hindi na nakapagprinting pa ng mga kopya ng HB 345 sa mga kongresista para sa 3rd reading bago ang recess nila noong Mayo, heto’t may panibagong maniobra na naman siya para maharang ang pagpasa ng panukalang batas. Ang anumang mumong dagdag na sahod at ECOLA pa nga sa ibang rehiyon ay hindi dahilan upang hindi na maipasa ang P125 legislated wage increase. Bilang mambabatas dapat alam niyang magkaiba ito,” sabi ni Maglunsod.
Ipinagdiinan din ni Maglunsod na lubhang napakaliit ng P25 dagdag na sahod na ibinigay ng NCR regional wage board sa mga obrero lalo na’t nagtaasan pa ang presyo ng mga bilihin dahil sa sunud-sunod na bagyong sumalanta sa bansa.
“ Ang akala yata ni Cong. Nograles ay nagbubunyi ang mga manggagawa sa mga katiting na umento sa sahod na natanggap ng mga manggagawa. Iilan na nga lang ang nakakuha nito, ang ilan namang mga negosyante ay naghapag pa ng exemption sa wage orders. Kung ganito ang ginagawa ni Cong. Nograles at ng Kongreso sa kahilingan namin para sa P125 dagdag na sahod, asahan niyang babagyuhin sila ng protesta ng mga manggagawa at iba pang tagasuporta namin,” pagwawakas ng lider-manggagawa.Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 3 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 8 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 8 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed