Kagyat na pagpapalaya sa batikang abogado ng manggagawa at bayan, hiniling
Error
Related posts
- KMU chief legal counsel’s life under threat by police-military
- Top Labor Lawyer, Southern Tagalog activists freed from prison after 3 months
- Praymer Hinggil sa Laban Para kay Atty. Remigio Saladero Jr.
- Amid protectionism for plunderer Jocjoc Bolante; Progressive lawyer, workers, orgs cracked down, swiftly detained
- Free Saladero Coalition holds thanksgiving for release of Saladero etal; Braces up for more criminal charging, harassments
Pag-aresto sa KMU Chief Legal Counsel, kinondena
KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang gestapo na pag-aresto kay KMU Chief Legal Counsel Remigio Saladero Jr. kahapon ng mga pulis at militar sa kanyang bahay sa Antipolo.
Ayon kay Elmer ‘Ka Bong’ Labog, tagapangulo ng KMU, matapos na hindi lumusot ang gawa-gawang kasong arson at pagpapasabog sa Globe cellsite sa Batangas noong Agosto 2 na ibinibintang kay Atty. Saladero, kinakasuhan naman siya ngayon ng multiple murder at frustrated murder sa Mindoro.
“ Magmumukhang kahiya-kahiya lalo ang PNP ngayon na matapos na kastiguhin ng bayan sa isyu ng Euro Generals, heto’t inaresto nila ang isang kilalang abogado ng bayan na may mahabang rekord ng paglilingkod sa mga manggagawa at maralita. Malinaw na ito’y panggigipit ng gubyernong Macapagal-Arroyo kay Atty. Saladero at iba pang mga abogado ng bayan at panunupil din sa kilusang paggawa na matapat at masipag niyang pinaglilingkuran,” sabi ni Labog.
Inirehistro rin ni Labog na titiyakin nilang mananagot ang PNP, AFP at si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na Commander in Chief ng kapulisan at militar kung may mangyayaring masama kay Atty. Saladero. Maliban pa sa diabetic ay dalawang beses na na-stroke ang batikang abogado.
“ Binabalaan namin sina Gloria Macapagal Arroyo at katulad niya pang berdugo sa pamahalaan na kapag may masamang mangyari kay Atty. Saladero ay pananagutan nila ito. Kailangang tiyakin nila na hindi babagsak ang kanyang pangangatawan habang ilegal nilang idiniditine si Atty. Saladero. Sa mahinang pangangatawan ng aming abogado at habang siya ang pangunahing humahawak ng mga kaso ng mga manggagawa sa buong bansa, kagaguhan ang pagbintangang miyembro siya ng NPA at nagpasabog sa isang Globe cellsite sa Batangas. Ngayon, nais naman nilang maglubid ng kasinungalingan na ang isang halos walang pahingang abogado ng bayan na laging nakabase sa Kamaynilaan ay magkakaroon pa ng motibo at oras na pumatay sa Mindoro,” ani Labog.
Ipinanawagan din ni Labog na kagyat na palayain si Atty. Saladero at itigil na ang serye ng harassment sa KMU at iba pang progresibong organisasyon.
Dinala ngayong umaga si Atty. Saladero sa Calapan, Mindoro Oriental ng PNP upang diumano’y harapin ang kaso ng multiple murder at frustrated murder doon. Hinuli siya sa ganap ng 1:00 ng hapon kahapon sa kanyang bahay ng pinagsamang elemento ng PNP at Military Intelligence Group 4A ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines o MIG4A-ISAFP. Puwersahang kinuha din ang kanyang mga personal na gamit, desktop PC at laptop.
Samantala, kinuha ngayon ding umaga ng mga kapulisan ang kanyang kotse, isang pulang Toyota Corolla na may eskort pang sasakyan ng gobyerno na may plate number na SG2-602.
Maliban pa na si Atty. Saladero ay ang Chief Legal Counsel ng KMU, siya rin ay chairman of the board ng Pro-Labor Assistance Center (PLACE). Grumadweyt siya ng abogasya sa San Beda at kabilang sa Top 20 ng kumuha siya ng bar exam noong 1984. Nagturo rin siya ng sa Lyceum University at Dominican College ng pag-aabogasya. Miyembro rin siya ng bagong-tatag na National Union of People’s Lawyers (NUPL).
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 3 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 8 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 8 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed