Skip to main content

Manggagawang Kababaihan magpapahayag ng suporta kay Nicole sa isang pagkilos ngayong araw

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileWD16fl could not be copied.
2006/09/22 - 6:06pm

Tinawag ng militanteng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU) na anti-Filipino si Justice Secretary Raul Gonzales dahil sa patuloy na pag-aasta nitong spokesperson ng mga Amerikanong sundalong akusado ng kasong rape.

"Ang pagbabanta niya na kakasuhan ng libel ang ina ni Nicole dahil sa pagsisiwalat ng katotohanan ay hindi asta ng isang Justice Secretary na naghahanap ng katarungan para sa ating kababayan kundi gawain ng isang walang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino," galit na galit na pahayag ni Nenita Gonzaga, Kalihim ng Departamento ng Kababaihang Manggagawa ng KMU.

Naunang isiniwalat ng ina ni Nicole na gagamitin diumanong 'trade off' ang kaso ni Nicole sa kasong kinakaharap ng dating Agriculture Undersecretary Jocelyn "Jocjoc" Bolante sa Estados Unidos. Humiling si Nicole at ina nito na palitan ang mga public prosecutors na humahawak sa kanyang kaso.

"Ingrato talaga yang si Gonzales sa aming mga kabarong nagluwal sa kanya sa mundo. Kung wala siyang sasabihing makakatulong sa paghahanap ng hustisya ni Nicole, wag na lang siyang magsalita," giit pa ni Gonzaga.

Gusto namang ipaabot ni Gonzaga ang suporta ng mga kababaihang manggagawa kay Nicole, "Dapat nating isiping hindi lamang ito laban ng mga babae kundi ng lahat ng Pilipino at mga taong patuloy na naninindgan para sa katotohanan, katarungan, kalayaan at soberanya ng bansa. Huwag isipin ni Nicole na nag-iisa siya dahil ang taumbayan ay nasa likod niya at sumusuporta sa kanya."

Sasama naman ang KMU sa ibang sector na magsasagawa ngayong isang kilos-protesta sa Welcome Rotunda na binansagang, "Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa"

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments