"Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa", iginiit ng KMU
Error
2006/09/20 - 6:55pm
Related posts
- Manggagawang Kababaihan magpapahayag ng suporta kay Nicole sa isang pagkilos ngayong araw
- Women workers to join support-protest for Nicole today
- Justice Secretary Raul Gonzalez dapat itapon sa dagat at ipakain sa pating
- Suportado si State Prosecutor Hazel Valdez sa paglaban para kay "Nicole": SALUDO KAMI SA 'YO!
- Todo-ebakwasyon sa mga OFWs matapos ang UN Resolution 1701
NANAWAGAN ngayong umaga ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ng isang araw ng pagkakaisa at suporta para kay Nicole, ang Pilipinang ginahasa ng mga US Marines sa Subic,, Zambales noong isang taon.
Ayon kay Nenita "Ka Nitz" Gonzaga, kalihim ng KMU Women's Department na dahil sa ginagawang pagbabaligtad ng kwento ng mga US Marines sa panggagahasa kay Nicole at insensitibidad ng mga state prosecutors at Department of Justice (DoJ) sa kaso, isang buong araw ng pagsuporta ang dapat ibigay sa dalaga dahil hindi lamang niya ito laban kundi laban ng buong bansa.
"Isang araw ng pagpapakita ng protesta na maaaring katangian ng mga noise barrage, rally sa harap ng US embassy, programa sa mga palengke, forum sa mga eskwelahan at upisina ng gubyerno ang dapat nating ialay kay Nicole at sa kanyang katatagang lumaban. Kailangang-kailangan niya tayo lalo na sa panahon ngayon.
Ang laban niya ay tulad ng kay David kay Goliath. Hwag nating hayaang umatras siya sa laban, isang laban na hindi lamang para sa kanyang puri at dangal kundi para sa soberanya ng bansa, " sabi pa ni Gonzaga.
Inirehistro rin ni Gonzaga na dapat maging sensitibo ang DoJ at mga state prosecutors sa kalagayan ni Nicole dahil siya ang biktima at at sa pagsasalarawan sa publiko ng mga US Marines na siya'y "professional" o "pakawala" ay lubhang napakabigat na dalahin para sa dalaga.
"Napakabagsik na tortyur kay Nicole ang paratangang hindi siya biktima ng panggagahasa kundi isang pakawalang babae. Dapat nating isiping hindi lamang ito laban ng mga babae kundi ng lahat ng Pilipino at mga taong patuloy na naninindgan para sa katotohanan, katarungan, kalayaan at soberanya ng bansa,"diin ng lider-manggagawa.
Iminungkahi ng Gonzaga na gawin ang "Isang Araw para kay Nicole, Isang Araw para sa Katarungan at Soberanya ng Bansa" sa susunod na linggo o sa pinakamaagang araw na maitatakda.

Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 13 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed