Pananagutan ng gubyernong Macapagal-Arroyo ang pagbagsak ng pangangatawan ni Ka Bel na naging dahilan ng kanyang pagka-aksidente
Error
Related posts
- Work stoppage sa libing ni Ka Bel, hiniling ng KMU bilang akmang pagpupugay ng mga manggagawa sa dakilang lider-manggagawa
- Buhay na halimbawa at inspirasyon si Ka Bel sa manggagawa at taumbayan
- Ka Bel, ang Great Grand Old Man ng kilusang paggawa, pumanaw na
- Macapagal-Arroyo gov't responsible for Ka Bel's frail health which caused his accident – KMU
- Sa ika-74 Kaarawan ni Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran
Ilegal na pag-aresto at pagdetine ng mahigit isang taon
SININGIL ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayon ang gubyernong Macapagal-Arroyo sa mahigit isang taong pagkakulong ng yumaong si Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran na dahilan ng mabilis na pagbagsak at panghihina ng kanyang katawan kung kaya’t naaksidente siya kahapon ng umaga.
Sinabi ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog, Tagapangulo ng KMU, na hindi maitatatwang ang pag-aresto kay Ka Bel at ilegal na pagdedetine sa kanya sa Kampo Crame at Philippine Heart Center nooong isang taon dahil sa gawa-gawang kaso ng rebelyon ang nagdulot ng pisikal na deteryorasyon niya.
“ Hindi namin mapapatawad ang gubyernong Macapagal-Arroyo sa kanyang ginawa kay Ka Bel. Kung mabilis na nanghina ang pangangatawan ng aming Chairman Emeritus ay dahil sa panggigipit na ginawa sa kanya ng malupit na gubyernong ito. Kung si KMU Founding Chairman Ka Bert Olalia ay namatay matapos siyang mabartolina sa Kampo Crame ng diktaduryang Marcos, ganundin ang nangyari kay Ka Bel sa ilegal na pag-aresto at pagdetine sa kanya ng pasistang rehimeng US-Macapagal-Arroyo,” sabi ni Labog.
Isinalarawan din ni Labog ang pakikiramay ng Malakanyang na peke dahil sa katotohanang nawalan ito ng isang masugid na bumabatikos at lumalaban sa pamahalaan.
Samantala, nanawagan si Labog sa lahat ng mga manggagawa sa ilalim ng KMU at iba pang mga obrero at mga kaalyado nito na tumungo sa Philippine Independent Church (PIC) sa Escoda Street corner Taft Avenue upang magbigay ng pagpupugay at parangal sa kanya.
Nakatakda ngayong gabi sa PIC ang isang parangal ng KMU na may temang “Crispin ‘Ka Bel’ Beltran: Dakilang Lider Manggagawa at Magiting na Bayani ng Sambayanan”.
Sasalubungin ang kabaong ni Ka Bel na manggagaling sa Mozon, Bulacan ng libo-libong mga manggagawa at iba pang niyang tagapasuporta, daang mga bandila ng KMU at Anakpawis Partylist.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 16 hours ago - The past employee who started
2 days 15 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 20 hours ago - Responsabile di global
4 days 20 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 20 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 20 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 20 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 20 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 21 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 21 hours ago
Most discussed