Skip to main content

Ka Bel, ang Great Grand Old Man ng kilusang paggawa, pumanaw na

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/fileB1Y6ix could not be copied.
2008/05/20 - 2:27pm

Pinakamataas na pagpupugay sa KMU Chairman Emeritus

“Pumanaw na ang Great Grand Old Man ng Philippine Labor. Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay namin sa kanya.” 

Ito ang pahayag ni Elmer ‘Ka Bong’ Labog sa di inaasahang pagkamatay ng Chairman Emeritus ng KMU na si Crispin ’Ka Bel’ Beltran. Pumanaw siya sanhi ng malulubhang head injuries matapos mahulog mula sa bubong ng bahay ng kanyang anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

“Nakapanluluksa ang araw na ito para sa mga obrero hindi lamang sa bansa, kundi sa lahat na rin ng anakpawis sa mundo. Isa siyang dakilang lider manggagawa at tagapagtanggol ng karapatan na kinikilala at nirerespeto ng marami, laluna ng mga pinaka-pinagsasamantalahan at pinaka-api. Mangungulila kami sa kanyang pagkawala sa pakikibaka ng mamamayan at sa militanteng kilusang paggawa na pinangungunahan ng KMU. Ngunit tatanganan at ipagpapatuloy namin ang kanyang mga ipinaglalaban,” ani Labog. 

“Hindi man natupad ang kagustuhan ni Ka Bel na sa lansangan siya mamatay nang lumalaban, ang pagkamatay niya ay hindi pa rin mabababale-wala. Ang buong buhay niyang inalay niya sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino at iba pang pinagsasamantalahan sa daigdig ay higit pa para ituring siyang bayani, ” dagdag ni Labog. 

Nanawagan si Labog sa lahat ng kasapi ng KMU na magsagawa ng vigil ngayong gabi upang bigyan ng nararapat na parangal ang magiting na lingkod ng manggagawa at  taumbayan.###

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments