Sa gitna ng 3-year high inflation P125 dagdag sahod, higit na kinakailangan – KMU
Error
"Ngayon, higit kailanman, kinakailangan ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag na sahod."
Pahayag ito ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, sa gitna ng mga ulat hinggil sa napakataas na inflation ngayong buwan.
"Bago pa man ilabas ng gubyerno ang mga estatistika, na malamang ay minanipula na nila, matagal nang dama ng mamamayan ang lubhang pagtataas ng presyo ng halos lahat ng bilihin."
Ayon sa National Statistics Office, umabot sa 8.3% ang inflation ngayong Abril 2008, mas mataas sa 6.5% noong Marso, at pinakamataas na sa tatlong taon. Kalakhan dito ay dulot ng pagtaas ng presyo ng bigas, at iba pang pangunahing pagkain.
"Pinakaapektado sa pagtaas ng presyo ng pagkain ang mga maralita, dahil sila rin ang naglalaan ng pinakamalaking bahagi ng kanilang kita sa pagkain at mga batayang pangangailangan," ani Labog.
Kinundena rin ni Labog ang mga solusyong inihahain ni Arroyo bilanhg "pawang para sa publisisdad lang."
"Puro limos ang binibigay sa amin ni Arroyo," ani Labog na inihalimbawa ang P2 gasoline subsidy, family access cards, at cash assistance program. "Hanggang kailan nila maibibigay ang mga ito? Hanggang sa panahong lubhang mas mahal pa ang mga bilihin at mas sadlak ang kabuhayan?"
Hinamon ni Labog ang pamahalaan na magpatupad ng mga seryosong tugon sa krisis ng patuloy na pagmahal ng mga bilihin.
"Tanggalin ang buwis sa elektrisidad at produktong petrolyo. Ibasura ang mga batas na tumutulak sa pribatisasyon at liberalisasyon ng mga pangunahing serbisyo, gaya ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), at Oil Deregulation Law. Itigil ang pagpapaalipin sa dikta ng merkado at mga kapitalista at magpatupad ng price control. At kagyat na isabatas ang P125 across-the-board legislated wage increase. Ganitong klaseng mga hakbang ang gusto naming makita.
"Pero laging tumututol o kaya'y tumatakas si Arroyo sa mga solusyong tunay na maka-iibsan sa pagdarahop ng taumbayan. Umalis na muna siya sa puwesto, nang maisakatuparan ang mga ito," ani Labog.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 16 hours ago - The past employee who started
2 days 15 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 20 hours ago - Responsabile di global
4 days 20 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 20 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 20 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 20 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 20 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 21 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 21 hours ago
Most discussed