Hindi pagbibigay ng dagdag sahod ngayong Mayo Uno ni PGMA, kinundena
Error
Related posts
- Galit sa P22 dagdag-sahod, tumitindi; Obrero, ‘ikinandado’ ang NCR wage board
- Mula EDSA 1: Minimum na sahod, tumaas lamang ng P172; Regional wage boards nagbunsod ng barya-barya, kalat-kalat na wage hike
- KMU sa Ecop: May tanggalan kahit walang dagdag-sahod
- Galit na mga manggagawa, piniketan ang opisina ng NCR wage board sa Maynila
- Petisyon ng TUCP para sa dagdag-sahod, tugma sa gobyerno at negosyo – KMU
Gloria, manhid sa paghihirap ng mga manggagawa
Kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang anunsyo ng gobyerno na walang matatanggap na dagdag na sahod ang mga manggagawa bago mag-Mayo Uno.
“Inaasahan na namin ito. Palabas lang naman ang pangangandarapa kuno ni Gloria Arroyo na udyokin ang regional wage boards na magtaas ng sahod dahil hindi na niya maitatwa ang matinding krisis na idinulot niya sa mamamayan,” ani Prestoline Suyat, tagapagsalita ng KMU.
“Lalong nagkakaroon ng dahilan ang mamamayan para humungos sa lansangan sa darating na Mayo Uno. Panahon na para singilin ang rehimeng patuloy na nanggigipit at nambubusabos sa sambayanan.”
Tinuligsa din ni Suyat ang utos ni Arroyo na magpulong lahat ng regional wage boards sa Mayo Uno.
“Instrumento lang ang wage boards para baratin ang mga manggagawa. P12 lang ang average na dagdag kada taon ang ginawa ng wage board sa NCR halimbawa, kalimitan ay adjustment pa sa cost of living.
“Huwag niyang takasan ang hinihingi naming P125 acroos-the-board legislated na pagtaas ng sahod. Ito lamang ang makabuluhang umento na pansamantalang makatutulong sa abang kalagayan ng manggagawa at kanilang pamilya.”
Hinamon din ni Suyat ang mga ekonomista at negosyanteng kakampi ng gobyerno na pinakakalat na lalo umanong magtataasan ang mga bilihin kapag nagtaas ang sahod.
“Nagtataasan ang mga bilihin kahit wala namang dagdag na sahod na natatamo ang manggagawa. Ngayong taon, halimbawa, tumaas ng 44 % ang presyo ng bigas, 14.3% ang isda, 23 % ang baboy, 20% ang manok at gulay, 25 % ang prutas, at 56 % ang mantika mula April 2007 ayon mismo sa Department of Trade and Industry.”
Ayon din sa pag-aaral ng IBON, tumaas lamang ng 18.6% ang sahod ng mga manggagawa mula nang maluklok ang gubyernong Arroyo (2001-2006), kumpara sa 37.9% pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin. Dahil dito ay nawalan ang karaniwang pamilya P20,400 sa tunay na halaga ng kanilang sahod, at P1,300 – P21,400 naman sa pinakamahihirap na pamilya.
Samantala, habang lumaki ang agwat ng purchasing power ng sahod ng mga manggagawa kumpara sa presyo ng bilihin, sumirit naman ng husto ang kita ng dambuhalang mga kompanya sa Pilipinas.
“Lumaki ng 327 porsyento sa loob ng apat na taon ang kita ng top 1000 korporasyon sa bansa. Nasa 6.8 porsyento lamang ang gastos sa labor ng mga kumpanya sa manupaktura. Kayang-kayang ikaltas sa kanilang kita sa halip na idagdag sa presyo ang kakarampot na P125 dagdag na sahod.”
Nanawagan din si Suyat “Sa lahat ng kongresistang may natitira pang kunsyensya, kumilos na para sa kagyat na pagsasabatas ng P125 wage hike. Tumugon naman sana sila sa kagyat na kahilingan ngayon ng kanilang mga constituents”
Inaasahang lagpas daang libong katao sa pamumuno ng KMU ang magsasagawa ng programa at demonstrasyon sa iba't ibang panig ng bansa sa Mayo Uno.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 3 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 8 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 8 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed