Public hearing ngayong araw ng wage board sa NCR, dinagsa ng protesta

Dumagsa ngayong araw ang militanteng sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno sampu ng mga lokal na unyon at pederasyon nito sa public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)sa National Capital Region (NCR) sa Occupational Health and Safety Center sa Quezon City.

Ayon kay Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, na ipapakita lamang diumano sa magiging desisyon ng wage board sa Kamaynilaan na hindi ito maaasahan upang makamit ng mga manggagawa ang makabuluhang dagdag na sahod, "Dapat nang buwagin ang mga regional wage boards at itulak ang pagpasa sa batas-panukalang P125 umento across-the-board, across-the-country. "

Sinabi ni Maglunsod na nakatitiyak ang grupong hindi na lalayo sa P10 ang ibibigay na dagdag-sahod dahil nagsalita na ang malalaking negosyante, "Ito ang mapagpasya sa desisyong ilalabas ng mga regional wage board hindi lamang sa NCR kundi sa iba pang rehiyon. Ipapakita lamang nito na ang mga regional wage boards ay tuta ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI) at iba pang grupo ng malalaking negosyanteng lokal at dayuhan."

Hinamon naman ng KMU ang mga miyembro ng regional wage boards na ilabas sa publiko ang kanilang natatanggap na sahod. Ani Maglunsod, "Hindi malayong isipin naming matataas ang kanilang sahod kaya hindi nila maintindihan ang kahilingan ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag na sahod."

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>
  • Potentially problem-causing HTML tags are filtered.

More information about formatting options