Pagbarat sa umento sa NCR, susundan sa mga rehiyon
Error
Related posts
- Incoming DoLE Secretary Arturo Brion must initiate dialogue with labor groups
- KMU reiterates P125 legislated wage increase, across-the-board, across-the-country in one grant within a year
- Public hearing ngayong araw ng wage board sa NCR, dinagsa ng protesta
- Upcoming LPG price hikes will absorb measly wage adjustments
- The president that was never meant to be…
Inaasahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na babaratin din ng mga wage boards ang umento sa iba pang rehiyon sa bansa katulad ng pagbibigay ng kakarampot na P25 umento sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Joel Maglunsod, Pangkalahatang Kalihim ng KMU, na tiyak na hindi lalampas sa 8% ang umento sa mga iba pang rehiyon katulad ng pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nauna nang tinaya ng BSP Deputy Governor Diwa S. Guiniguindo na walang gaanong epekto sa implasyon ang inaprubahang P25 umento sa pasahod sa NCR.
"Ang totoo, hindi makasasapat ang kakarampot na umentong ibinigay sa pagtaas ng preyso ng mga pangunahing bilihin at serbisyo," dagdag ng lider-manggagawa.
Sa Hilagang Mindanao, ititulak ng mga negosyante ang P10.90 umento. Papatak naman sa P12.65 ang itinutulak na umento ng Cagayan de Oro business chamber.
Sa kabila ito ng malaking agwat sa gastusin sa pang-araw araw at sa minimum na sahod. Sa datos ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ngayong Abril 2006, ang family living wage para sa pamilyang may anim na miyembro sa Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) ay aabot ng P976 samantalang P180 ang minimum na pasahod. Sa Rehiyon 12 ay P598 ang living wage habang P200 lamang ang minimum. Sa Region 7, aabot sa P722 ang gastusin habang papatak lamang sa P175-P208 ang minimum na pasahod.
"Sa NCR, palimos na P25 ang ibinigay samantalang napakalagi ng agwat ng living wage na P748 sa kasalukuyang minimum na P275," paliwanag ni Maglunsod.
Sinabi ni Maglunsod na madaling sabihin para sa Malakanyang na resonable ang P25 umento sa NCR samantalang hindi nararansan ng mga ito kung paano sumahod nang minimum.Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
4 days 4 hours ago - The past employee who started
5 days 3 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
5 days 7 hours ago - Responsabile di global
1 week 8 hours ago - Takahashi precedentemente
1 week 8 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 8 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 3 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 3 days ago
Most discussed