Skip to main content

Nissan, sinusuway pa rin ang desisyon ng SC; manggagawa nagprotesta

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filePF8CEu could not be copied.
2007/01/12 - 11:52am
“Nagmamatigas at patuloy pa rin sa pagsuway ang Nissan management sa desisyon ng Korte Suprema.”

Ito ang pahayag ng may mahigit 140 manggagawa ng Nissan Motors Phils., Inc. sa paghihintay ng pagpapatupad ng desisyon ng Korte Suprema. Kasabay nito, nagsagawa ng pagkilos ang mga manggagawa sa harapan ng gate ng kumpanya kahapon, ika-10 ng Enero 2007, dakong alas-6:30 ng umaga, sa Barangay Pulong Santa Cruz, Santa Rosa, Laguna.

Humarap sa mga nagpoprotestang manggagawa ang Nissan Vice-President for Corporate Planning na si Val de Leon.

”Nagmatigas pa din si de Leon na babayaran lang diumano nila ng separation pay ang 25 manggagawa,” ayon kay Eduardo Alisa, pangulo ng unyong Bagong Nagkakaisang Lakas ng Manggagawa sa Nissan Motors Phils., Inc. (BANAL-OLALIA-KMU), matapos ang negosasyon.

Iginigiit ng mga manggagawa na 144 ang dapat na bumalik sa pagawaan ayon sa isinaad sa desisyon ng Korte Suprema noong Hunyo 21, 2006.

Dagdag pa ni Alisa, ”Inililinaw namin kay de Leon at sa Nissan management na 144 ang sinasabi ng SC na pababalikin sa pagawaan at babayaran ng accrued backwages, at hindi separation pay para sa 25 lamang. Lubhang malayo yun sa nakasulat na desisyon ng SC.”

Nagkasundo si de Leon at ang mga kinatawan ng unyon na magtakda ng pag-uusap sa ika-12 ng Enero 2007, alas-3 ng hapon, upang linawin pa ang desisyon ng Korte Suprema at makabuo ng malinaw na kasunduan sa kagyat na pagpapatupad nito.

PNP at RSAF, binantayan ang pagkilos ng manggagawa

Tumagal nang may isang oras ang pagkilos ng mga manggagawa. Sumikip ang daloy ng trapiko patungong Nissan Motors at Laguna Technopark Incorporated. Nagkaroon ng bahagyang tensyon nang dumating ang pinagsanib na mga elemento mula sa Philippine National Police (PNP) ng Santa Rosa at Regional Special Action Forces (RSAF) na pawang naka-full battle gear. Tinangka ng mga itong buwagin ang pagkilos ng mga manggagawa.

“Ganyan naman lagi ang inihaharap sa amin, ang mga pulis at militar, tuwing maggigiit kami sa aming mga lehitimong karapatan at sa hangaring maipatupad ang desisyon ng Korte Suprema,” wika naman ni Rodel Diolata, pangalawang pangulo ng unyon.

“Mapayapa ang idinadaos na programa at pagkilos naming mga manggagawa dito. Makatwiran ang aming ipinaglalaban at wala kaming nilalabag na batas. Kung mayroon mang dapat hulihin dito na hindi sumusunod sa batas ay walang iba kundi ang Nissan management na hindi marunong sumunod sa kautusan ng Korte Suprema at mahigit nang limang taong nagkakait ng katarungan sa mga manggagawa,” pagtatapos ni Diolata.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments