Pagkondena sa pag-grant ng petition for bail ni Arroyo
Related posts
Most discussed
Mariin naming kinokondena ang pag-apruba ng korte sa petisyon ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo na magpyansa. Bibigyang-daan nito ang paglaya niya sa kanyang napaka-komportableng hospital arrest. Isa itong pag-atras sa pakikibaka para papanagutin siya sa malulubhang krimen niya sa mga manggagawa at sambayanan.
Walang ibang dapat sisihin kundi ang gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino. Sa kabila ng pagpapanggap nitong nagpapanagot kay Arroyo, wala itong mapagpasyang hakbang para ma-convict at tuluyang makalaboso si Arroyo. Hindi pa ito nagsasampa ng kaso kaugnay ng malalaking krimen at anomalya ni Arroyo. Nagtagal pa bago ito nagsampa ng kaso laban kay Arroyo at kaliwa’t kanan naman ang special treatment na ibinigay rito.
Tiyak na nandaya si Arroyo sa eleksyong 2007, pero mahina ang kasong isinampa ng gobyernong Aquino at magaang na kaso ito kumpara sa naglalakihang krimen ni Arroyo. Halatang isinampa lang ito para pigilan si Arroyo na makatakas ng bansa noong Nobyembre – hindi para mapanagot siya kundi dahil natakot ang gobyernong Aquino sa tiyak na pagputok ng galit ng sambayanan kapag tuluyang nakatakas siya sa bansa.
Talagang niloloko ni Aquino ang sambayanan! Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, nagpanggap pa siyang nagpapanagot kay Arroyo. Pinalabas niyang pagpapanagot kay Arroyo, hindi pagkontrol ng mga Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita, ang dahilan kung bakit pinatalsik si Chief Justice Renato Corona. Magaganap ang paglaya ni Arroyo sa panahong kumpleto ang kontrol ni Aquino sa gobyerno.
Habang patuloy na ikinukulong ng gobyernong Aquino ang mga bilanggong pulitikal, napakadali naman nitong pinapalaya si Arroyo. Dapat palayain ang mga bilanggong pulitikal dahil wala silang krimen sa mga manggagawa at sambayanan. Higit pa diyan, naglilingkod sila sa mga manggagawa at sambayanan. Dapat i-convict at ikulong si Arroyo, dahil sa napakarami niyang krimen sa mga manggagawa at sambayanan.
Nananawagan kami sa mga manggagawa at sambayanan: Kondenahin natin ang gobyernong Aquino na malinaw na nakikipagsabwatan kay Arroyo! Kumilos tayo para papanagutin si Arroyo sa napakalalaking krimen niya sa manggagawa at sambayanan!
Add comment
Recent comments
- Farmers are truly the most
12 min 50 sec ago - It really is an issue they
7 hours 52 min ago - Aquino is still mum on what
7 hours 53 min ago - Even if they are not calling
8 hours 49 min ago - A 10 year strike? That is a
8 hours 49 min ago - Nestle is one of the biggest
9 hours 40 min ago - Everybody is watching the
9 hours 41 min ago - This is contrary to what they
10 hours 8 min ago - Adding insult to injury, the
10 hours 9 min ago - The group is doing the right
1 day 4 hours ago
#1 PAGLAYA NI GMA SA PAMAMAGITAN
PAGLAYA NI GMA SA PAMAMAGITAN NG PIYANSA (BAIL), SAMPAL SA MUKHA AT SONA NG PASISTANG HACIENDERONG PANGULO, SABWATAN NG DALAWANG PASISTA, NALANTAD..
Walang kupas ang pagiging sinungaling, bolero, pasista, kontra-mamamayan, maka-dayuhan at pagiging masunuring papet, ang ipinamalas ng Hacienderong Pangulo sa kanyang ikatlong SONA.
Punong-puno ng buladas, mahika, ilusyon, mga dinoktor na datos sa ekonomya at mga pahayag na taliwas sa realidad ang binigkas nito sa kanyang isa at kalahating oras na SONA na higit sa isang daang beses na pinalakpakan ng mga kinatawan ng panginoong maylupa, burges komprador, at ng imperyalismong US sa loob ng reaksyunaryong Kongreso.
Tulad sa inaasahan, walang substansyal na nabanggit hinggil sa mga batayang kahilingan ng sambayanan, tulad ng kongkretong pagpapatupad ng tunay na reporma sa, kung di ang huwad na repormang agraryo ng CARP-ER. Di man lang nabanggit ang salitang manggagawa lalo na ang pagtaas ng sahod. Ang demolisyon ng mga tahanan ng mga maralita ng lungsod at kongkretong solusyon o programa para dito. Ang badyet sa Edukasyon na pilit na pinalalabas na dinagdagan, nguni't, sa katotohanan, nagkaroon ng paglobo ito dahil kailangan na nilang ipatupad ang buntot ng Salary Standardization Act para sa mga guro at personel na dumaranas ng kaapihan sa sahod. Ang mapanlinlang na pagpapalawak ng PHILHEALTH sabay ng pailalim na pag-aalis ng mga Charity Wards sa mga pampublikong ospital na nakakasa na upang isa-pribado. Sa mas simple, babalikatin ng PHILHEALTH ang limitadong gastusin ng mga mahihirap na pasyente, na kung saan direktang galing din sa kontribusyon ng mga manggagawa at mamamayan, at ang mga bayaring ito ay direktang pakikinabangan naman ng mga isina-pribadong serbisyo ng pampublikong mga ospital. At ang Conditonal Cash Transfer (CCT) na puno ng katiwalian na walang ibang layunin kung di, ilihis ang kumukulong galit ng mamamayan laban sa kahirapan at maging instrumento ng Oplan Bayanihan para sugpuin ang paglaban ng mga mamamayan.
Habang nagtatalumpati sa loob ng bulwagan ng reaksynaryong Kongreso, at muling binibigkas na "Boss n'ya ang mga Mamamayan", sa labas naman ay, marahas na binubuwag ng mga parasitiko at tiwaling kampon n'yang PNP ang mapayapang pagtitipon ng mga manggagawa at mamamayan na sinasabing "Boss" ng Hacienderong Pangulo.
Matagumpay na binigo ng militanteng pagkilos ng mga manggagaw at mamamayan ang pagtatangka ng Pasistang Papet na Hacienderong Pangulo na bolahin, paikutin at iligaw nito ang tunay na estado ng kalagayan ng sambayanang Pilipino na nais nitong palabasin sa kanyang SONA.
Isang araw matapos ang SONA, sumibad ang panibagong "big time increased" ng mga produktong petrolyo. Nguni't bago pa ang SONA, bumulagata ang isang lider ng maralita ng lungsod, na ika-100 biktima ng "extra judicial killings" sa loob ng dalawang taon ng mapanlinlang na panunungkulan ng Hacienderong Pangulo.
Lubusang nalantad ngayong araw ang mga buladas at panlilinlang sa sambayanan ng Pasistang Rehimeng ito. Dalawang araw matapos ang SONA, na binigyan ng higit sa isang daang nakakabinging palakpakan ng mga representante ng mga mapagsamantalang uri at mga alipores nito, tumambad ang katotohanan ng sabwatang AQUINO-GMA. Lalaya ito ngayong araw sa pamamagitan ng P 1M pyansa na sing-ayunan ng Pasay RTC. Tumambad ang katotohanang ang Rehimeng Aquino ay pagpapatuloy lamang ng Pasistang Rehimeng Arroyo. Walang pinag-iba ang Rehimeng Aquino sa Pasistang Rehimeng Arroyo. Ito ang katotohanan sa relasyon ng isang guro sa kanyang estudyante.
Tumambad ang katotohanang ang mga kontra-mamamayan, maka-dayuhang patakaran at mga krimen laban sa mamamayan ng Papet at Pasistang Rehimeng US-Aquino ay pagpapatuloy lamang mula sa dating Pasistang Rehimeng Aquino.
Lumaya na ang utak ng mga krimen sa bayan, habang kinakalinga pa rin ng Rehimeng Aquino at ipinagpapatuloy nito ang iba pang kriminal at krimen nito sa bayan. Makatarungan ang pag-aalsa ng sambayanan para hanapin ang tunay na katarungan. Makatarungan ang panawagang patalsikin ang Papet at Pasistang Hacienderong Pangulo dahil sa kataksilan at pag-aaruga nito ng pangunahing kriminal ng bayan.
MOBILISAHIN ANG MILYON-MILYONG MAMAMAYAN UPANG IBALIK SA KULUNGAN ANG PASISTANG REHIMENG ARROYO AT PANAGUTIN ANG PAPET NA HACIENDERONG PANGULO !!!
PALAKASIN ANG PANAWAGANG PATALSIN ANG REHIMENG US-AQUINO DAHIL SA PAGTATAKSIL SA SAMBAYANANG PILIPINO !!!
IBAYONG MOBILISAHIN AT PAKILUSIN ANG MILYON-MILYONG MAMAMAYAN LABAN SA SABWATANG AQUINO-GMA !!!