Skip to main content

Obrero, mas napasama matapos ang 2 taon ni Aquino

Isang araw bago ang ikalawang taon ni Pang. Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagkapangulo, sumama ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno sa protesta para kondenahin ang pangulo sa pagpapasahol nito sa kalagayan ng mga manggagawa at maralitang Pilipino.

Kasama ang ibang organisasyon sa ilalim ng grupong Bagong Alyansang Makabayan, nagmartsa ang KMU patungong Mendiola ngayong umaga, at sinabing tunay ngang P-NOY ang pangulo: Pahirap, Nanlilinlang, Oo nang oo sa Kano, at Yumuyurak sa karapatan.

“Mas barat ngayon ang sahod ng gma manggagawa, mas malaganap ang trabahong kontraktwal, at mas matindi ang kawalang-trabaho. Walang maipagdiwang ang mga manggagawa matapos ang dalawang taon sa pwesto ni Aquino,” ani Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

“Nagpatupad pa nga si Aquino ng mga mayor na patakaran na lalong magpapababa sa halaga ng lakas-paggawa ng bansa. Salot siya sa mga manggagawa pero biyaya para sa malalaking kapitalista,” dagdag niya.

Binanggit ng KMU ang Two-tiered Wage System na kakaltas at magpapako sa sahod ng mga manggagawa, ang Department Order No. 18-A Series of 2011 ng DOLE na nagliligalisa sa kontraktwalisasyon, at ang programang K+12 sa edukasyon na magsasadlak sa kabataan sa trabahong kontraktwal.

“Paulit-ulit niyang nililinlang ang sambayanan sa pagsasabing papanagutin niya si Gloria Macapagal-Arrooy para sa matitinding krimen nito. Dalawang taon matapos niyang maging pangulo, makakapagpyansa pa si Arroyo para makalabas sa kanyang komportableng hospital arrest,” ani Labog.

“Bigo ang gobyernong ito na ipa-convict at ipakulong ang dating pangulo. Mabilis nitong pinatalsik si Chief Justice Renato Coronapero napakabagal nito sa pagpapanagot kay Arroyo,” dagdag niya.

Kinondena rin ng grupo ang pangulo sa pag-aapura ng pagbabalik ng mga base-militar ng US sa bansa at sa paglabag sa mga karapatang pantao.

“Ginagamit ni Aquino ang mapaggiit na mga pahayag at aksyon ng China para ipagtanggol ang mas matinding interbensyong militar ng US. Pinapalaki niya ang mga pangakong suporta ng US para maliitin ang panganib sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino at ang pag-insulto sa soberanya ng bansa bunsod ng mas malawak na presensya ng mga tropang Kano,” sabi ni Labog.

“Ipinapatupad niya ang Oplan Bayanihan na kahawig ng Oplan Bantay Laya pero mas matindi ang panlilinlang. Nagpapatuloy ang militarisasyon sa kanayunan, dinudukot ang mga negosyador sa usapang pangkapayapaan, at sinusupil kahit ang mga lehitimong protesta sa lansangan,” dagdag niya.

“Pangako namin, maglulunsad kami ng mas malaking protesta sa ikatlong State of the Nation Address ng pangulo, kung saan inaasahan naming maghahabi siya ng mas maraming kasinungalingan,” aniya.

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson
Contact information: 
0908-1636597

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments