Skip to main content

[On 114th Independence Day anniv] KMU hits Aquino for fake independence, land reform

Joining protests in Mendiola and the US Embassy in time for the 114th year of the Declaration of Philippine Independence today and the 24th year of the government’s agrarian reform program last June 10, labor center Kilusang Mayo Uno condemned Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III for making the country’s independence and land reform even more fake.

KMU cited Aquino’s negotiations with US President Barrack Obama for the return of US bases in the country, the government’s Private-Public Partnership program, and the stalling of the implementation of the Supreme Court’s decision on Hacienda Luisita.

“For almost two years, Pres. Aquino has made genuine independence and genuine land reform more elusive for Filipinos. He has consistently served only the interests of the US and the biggest landlords in the country,” said Roger Soluta, KMU secretary-general.

“The US bases are poised to make a big comeback, the country’s economy is more dependent than ever on the US with the PPP, and Luisita is still under the control of the Cojuangco-Aquinos. Aquino is to blame,” he added.

KMU said Aquino is most subservient to the US, despite the costs of the US’s economic and military policies for the majority of Filipinos.

“With his PPP, Aquino is aggressively promoting liberalization, privatization and deregulation – which have failed to bring about genuine development and economic freedom for majority of Filipinos,” Soluta said.

“He rabidly supports the US’s militaristic and imperialist designs in Asia-Pacific despite the country’s zero gains in terms of the military’s modernization and despite the trampling of the country’s sovereignty,” he added.

The labor center also slammed Aquino’s so-called “reforms” in the Comprehensive Agrarian Reform Program saying the program remained anti-farmer as it provides landlords with means to evade land reform.

“CARP bears the imprint of the president’s mother, who is herself a haciendera. It aims to protect the lands of landowners in the guise of a sham land reform program,” Soluta said.

“Aquino tries to make it appear that he welcomes the SC’s decision on Luisita, while at the same time continues to delay its implementation. He will surely appoint a Chief Justice who will undermine the decision or increase his family’s compensation for the distribution of the lands,” he added.

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU secretary-general
Campaign: 
US Troops, Out Now!
Contact information: 
0928-7215313

Comments

#1 PANAWAGAN PARA SA

PANAWAGAN PARA SA DIPLOMATIKONG INISYATIBA NG MGA PROGRESIBONG ORGANISASYON, PAMBANSA-DEMOKRATIKONG KILUSAN AT NG PAMBANSANG NAGKAKAISANG PRENTE (NDF).

Mistulang isang kabute na biglaang sumulpot ang “Stand Off” sa pagitan ng Pilipinas at bansang Tsina sa mga Rock Formation o tinatawag na Scarborough Shoal na nasa West Philippine Sea at nasasakupan ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Isang malaking katanungan kung bakit ito ay nataon pa sa idinadaos na Joint Military Excercise sa pagitan ng US at Pilipinas? Ano ang mga dahilan at motibo na nasa likuran nito? Sasakupin na nga ba ng bansang Tsina ang Pilipinas? Ang imbitasyon nga ba ng Papet na Hacienderong Rehimeng Aquino sa paglawak at direktang interbensyon ng Imperyalismong Estados Unidos sa ating bansa ay ang pipigil sa pagiging agresibo at tintangkang pagsakop ng bansang Tsina sa teritoryo ng Pilipinas o ito mismo ang dahilan ng pagiging agresibo ngayon ng bansang Tsina?

Para mas maging malinaw at upang maitakda natin ang mulat at tamang paninindigan, mahalaga na mapag-aralan at matukoy natin ang malinaw na motibo ng mga nasasangkot na bansa, ganoon din ang “prinsipal at external na kontradiksyon” sa loob at labas ng ating bansa sa kasalukuyan. Ito ang magtatakda ng mulat at tama nating paninindigan.

Talamak at nasa gilid na ng kanyang huling hantungan ang Imperyalismo o ang Kapitalismo sa daigdig. Ang Imperyalismong Estados Unidos na pangunahing tagapamandila at kumakatawan nito ay, naghihintay na lamang ng tuluyang pagsadlak nito. Wala na siyang kakayahan upang pahabain pa o manatili pa ang buhay nito, kung di, ang antalain na lamang ang tuluyang pagbagsak at pagpanaw nito. Napakaiksi ng buhay ng Kapitalismo na nagsimula noong ika-17 siglo sa Europa na tumagal lamang ng higit sa 300 taon, kumpara higit sa 3,000 taon na paghahari ng Pyudalismo sa daigdig. Kongkretong salaminan ito ng lakas at kakayahan ng mamamayan ng daigdig at ng uring anakpawis na ibagsak ang naghahari at mapang-aping sistema at isulong ang Sosyalismo na para sa kanila.

Bantulot at alumpihit ang Imperyalismong Estados Unidos sa kasalukuyan kung paano aantalain ang kanilang panghihina o tuluyang pagbagsak. Matapos ang magastos na digmang agresyon sa bansang Iraq at Afghanistan, ang pagsambulat ng tinatawag nilang “Financial Crunch” noong 2008, ang nababangkaroteng ekonomya ng mga bansa sa Europa, at ang mismong bangkarote nitong ekonomya, naipasya nitong ibaling ang kanyang atensyon sa East Asia at buong Asya-Pasipiko. Tinitingnan ngayon ng Imperyalismong Estados Unidos na napakahalaga sa kanya ang bahaging ito ng daigdig dahil halos dito ang konsentrasyon ng mga bansa na nabibilang sa ikatlong daigdig(Third World Countries). Nai-disenyo nila ang ekonomya ng mga bansang ito bilang palengke ng sobrang produksyon o produkto at sobrang pinansyal na kapital (market for surplus production, surplus financial capital, & surplus services), mahahalagang hilaw na materyales, at ang malawak na bilang ng murang lakas-paggawa. Napakahalaga sa kanila na manatili o magpatuloy ang ganitong relasyon at kalakalan upang kumalma ang kanilang paghihingalo at maantala ang kanilang tuluyang pagbagsak.

Ngunit bantulot (insecured) ang Imperyalismong Estados Unidos sa patuloy na lumalakas na impluwensya ng bansang Tsina sa larangan ng ekonomya, pulitika at militar sa bahaging ito ng daigdig at sa mismong buong daigdig, na siya ngayong itinuturing na pangalawa sa pinakamalaking ekonomya sa buong daigdig. Ito ang dahilan ng kanyang “Containment Policy” sa bansang Tsina, kaya ibinaling nito ang kanyang atensyon sa bahaging ito ng daigdig. Ang Pilipinas ay nasa isang estratehikong lokasyon para ipatupad ang kanyang “containment policy” na isa sa magtitiyak ng kanyang impluwensya at kontrol sa daluyan ng kalakalan sa Timog Karagatang Tsina (South China Sea). Bilang papet na pamahalaan at neo-kolonyang estado, ginagamit nito ngayon ang Pilipinas para bigyang katuwiran ang muling paglakas ng presensya nito sa bansa, sa isyu ng pag-aagawan ng Pilipinas at bansang Tsina sa Scarborough Shoal.

Layunin din ng kanyang “containment policy” na brasuhin ang bansang Tsina na isapribado ang ilang pang mahahalagang industriya na pag-aari ng estado nito. Napanatili ng Tsina ang paglakas ng kanilang ekonomya, dahilan sa humigit kumulang na 60% ng kanilang Gross National Production (GNP) ay nakatuon pa rin sa Domestic Consumption, kaya medyo mas magaang ang epekto sa kanila ng paghina ng internasyunal na kalakalan at pandaigdigang krisis ng Kapitalismo. Desperado ngayon ang Imperyalismong Estados Unidos na huwag maungusan ng bansang Tsina sa larangan ng ekonomya, pulitika at militar sa bahaging ito ng daigdig maski na hanggang sa buong mundo. Ang desperasyon ito ang magbubunga ng maraming kaguluhan sa Pilipinas, Timog Karagatang Tsina at Asya-Pasipiko, at sa buong mundo.

Sabi ni Prof. Jose Maria Sison, “ang pagiging agresibo ngayon ng bansang Tsina ay hindi pa para maglunsad ng militar o digmang agresyon sa Pilipinas, kung di, ito ay ang paggigiit pa ng kanilang karapatan, soberanya at integridad bilang isang bansa”. Bagama't may ambisyon itong maging imperyalista, nananatili pa rin ang tunggalian sa loob ng kanilang Partido at Estado, at nakatali pa rin ito sa kanilang pagpapanggap bilang Sosyalistang bansa.

Nanatiling ang prinsipal na kontradiksyon sa ating bansa ay sa pagitan ng Imperyalismong Estados Unidos na kinakatawan ng Rehimeng US-Aquino laban sa sambayanang Pilipino. Ang namumuong tunggalian sa pagitan ng Imperyalismong US at bansang Tsina ay dapat ituring na panlabas na kontradiksyon na maaring maka-impluwensya sa panloob na prinsipal na kontradiksyon sa pagitan ng Rehimeng US-Aquino at sambayanang Pilipino. Ang sigalot ngayon ng Pilipinas at bansang Tsina ay dapat ituring na kabahagi ng panlabas na kontradiksyon sa pagitan ng Imperyalismong Estados at bansang Tsina, dahil ginagamit lamang nito ang ating bansa sa kanyang “containment policy” sa bansang Tsina.

Sa pagkakalat o pagpapalaganap ngayon ng Imperyalismong US ng histeryang Anti-China katuwang ang Papet na Hacienderong Rehimeng Aquino at ang espesyal na ahente nitong Pseudo-Repormistang Grupo ng AKBAYAN, nakikinabang sila dito para bigyang katuwiran ang muling pagpapalakas ng kanilang presensya sa ating bansa. Kung magpapadalos-dalos tayo, magiging mistulang tunggalian lamang ito sa pagitan ng Anti-China at Anti-US, na tuwirang maglilihis sa atin sa batas ng kontradiksyon o wastong pagtangan sa prinsipal na kontradiksyon.

Itinuturing natin ngayon na Burges na Estado at Kapitalistang Ekonomya ang nagdo-domina sa Pamahalaan at bansang Tsina. Ganu'n pa man, nananatili pa rin ang kanilang pagpapanggap bilang Sosyalistang bansa at buhay pa rin ang tunggalian mismo sa loob ng kanilang pamahalaan at partido. Bunga nito, patuloy nilang ibinabando ang patakarang, “peaceful co-existence, non-agression, at non-interference on internal affairs”.

Kung naniniwala tayo na ang pagiging agresibo ngayon ng bansang Tsina ay dahilan pa sa paggigiit ng kanilang karapatan, soberanya at integridad ng kanilang bansa, at hindi para sa digmang agresyong militar. At ang gusot sa pagitan nila at ng ating bansa ay kabahagi ng panlabas na namumuong kontradiksyon sa pagitan nila at ng Imperyalismong US. Kung gayun, malilihis o maliligaw tayo sa wastong pagtangan o pagtrato sa prinsipal na kontradiksyon, kung maninindigan tayo na kapwa batikusin ang direktang interbensyon ng Imperyalismong US at pagiging agresibo ng bansang Tsina. Dapat lamang na magsilbi o magamit na pabor sa atin ang panlabas na kontradiksyon sa pagharap sa prinsipal na kontradiksyon sa pagitan ng Rehimeng US-Aquino at mamamayang Pilipino.

Kilala ang bansang Tsina na mahina o hindi nakikipag-ugnayan sa mga progresibong organisasyon, pambansa-demokratikong kilusan at lalo na sa mga rebolusyonaryong organisasyon at partido. Nguni't nagbubukas ng posibilidad ang kanilang pinanghahawakang patakarang panlabas na “peaceful co-existence, non-agression, at non-interference on internal affairs”, upang magbukas din sila sa pakikipagtulungan. Batid ng Tsina ang patakarang “containment” ng Imperyalismong US. Ito ang nagtutulak sa kanila ngayon na maglunsad ng diplomatikong inisyatiba upang mangalap ng mas maraming kaibigan at biguin ang plano ng Imperyalismong US. Tutol sila sa muling pagpapalakas ng presensya nito sa East Asia at buong Asya Pasipiko, tulad ng plano nito ngayon sa Pilipinas. Dito tayo maaring magsimula ng pakikipag-ugnayan hanggang sa pakikipagtulungan sa kanila.

Syento-porsyentong hindi babarahan ng Burges na Estado ng Tsina kung magsasagawa tayo ng inisyatiba na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga organisasyong manggagawa at mga progresibong organisasyon sa kanilang bansa, kung ang layunin ay laban sa muling pagpapalakas ng presensya ng Imperyalismong US sa East Asia at buong Asya-Pasipiko. Kung mapapalakas ang ugnayang ito, maaring magbukas din ang posibilidad na makipag-ugnayan din ang kanilang Burges na Estado sa mga Progresibo at hanggang sa mga Rebolusyonaryong Organisasyon sa ating bansa, dahil batid nila ang sobra at sagadsaring pagpapakatuta ng Papet na Hacienderong Rehimen Aquino sa Imperyalismong US. Sa mas simple, maari tayong makipagkaisa sa kanila laban sa usapin ng muling pagpapalakas ng presensya ng Imperyalismong US sa bahaging ito ng daigdig. Mas malamang na magbukas sila ng pinto dito, dahil ito ay umaayon sa kanilang patakarang panlabas at mismo sa kanilang pang-ekonomya at pampulitikang interes.

Hindi dapat tayong mabahala sa inilalakong pekeng Nasyunalismo ng Rehimeng US-Aquino at ng espesyal na ahente nitong Grupo ng Pseudo-Repormistang AKBAYAN, na binabatikos natin ang Imperyalismong US dahil kakampi tayo ng bansang Tsina at sila ang gusto nating maghari sa bansa. Ang mga progresibong organisasyon, pambansa-demokratikong kilusan at ang mga rebolusyonaryong kilusan ang naninindigan at tagapamandila ng “Tunay na Nasyunalismo”, at hindi dapat mag-alinlangan na ito ang yayakapin ng mga mamamayan. Hindi maaring mangibabaw at tiyak na malalantad ang “Pekeng Nasyunalismo” na inilalako ng Rehimeng US-Aquino at Pseudo-Repormistang Grupo ng AKBAYAN laban sa ibinabandila nating “Tunay na Nasyunalismo” dahilan sa mahigpit na nakahinang ito sa batayang interes ng buong sambayanang Pilipino.

Maaring palawakin at palakasin pa ng mga progresibong organisasyon ang kanilang ugnayan sa mga progresibo at manggagawang organisasyon sa iba't-ibang bansa sa bahaging ito ng daigdig, upang ilunsad ang pang-rehiyong kampanya laban sa muling pagpapapalakas ng presensya at interbensyon ng Imperyalismo US sa nasabing rehiyon. Lantad man o di lantad, tiyak na susuportahan ito ng Burges na Estado ng bansang Tsina dahil maglilingkod ito sa kanilang pang-ekonomya at pampulitikang interes sa rehiyong ito. At mismo sa ating bansa, maaring maging tulak, direkta o direktang makipagtulungan at makuha natin ang suporta ng bansang Tsina, laban sa interbensyon o agresyon ng Imperyalismong Estados Unidos. Ito dapat at dito dapat, simulan ang diplomatikong inisyatiba ng mga progresibo at organisasyong manggagawa, pambansa-demokratikong kilusan, at hanggang sa mga rebolusyonaryong organisasyon tulad ng Pambansang Nagkakaisang Prente (NDF) upang tuluyan at ganap na makamit ang “Tunay na Nasyunalismo” sa ating bansa.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments