Skip to main content

Labanan ang pinapatinding interbensyong militar ng US!

Malaking kasinungalingan ang pinapalabas ng gobyernong Aquino. Hindi narito sa bansa ang mga tropang militar ng US para sa sambayanang Pilipino. Narito sila para malalaking kapitalistang Amerikano at ng gobyerno ng US na hawak nila.

Hindi sila narito para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa Tsina sa usapin ng Spratlys, o laban sa North Korea. Talagang gusto ng US na palakasin ang presensyang militar nito sa Asya-Pasipiko – naghahanap lang ito ng madulas na palusot para gawin ito. Gusto nitong protektahan ang pang-ekonomiyang paghahari nito sa rehiyon at sa buong mundo at labanan ang paglakas ng Tsina.

Kinokondena namin ang gobyernong Aquino sa pagpayag nito na manghimasok ang US sa mga usaping internal sa bansa. Ipinapakita nitong hindi “pagkakaibigan” ang ugnayan ng Pilipinas at US. Tuta ng US ang gobyernong Aquino at itinuturing ng US ang Pilipinas bilang isang walang-dignidad na kolonya.

Kinokondena namin ang umiigting na panghihimasok-militar ng US sa bansa. Matagal nang lumalahok ang mga tropang Kano sa mga combat patrol at paglulunsad ng mga Civil-Military Operations. Nabunyag na rin ang papel nila sa intelligence, pagsasanay sa militar, at aktwal na labanan kasama ang Armed Forces of the Philippines. Ngayon, nabubunyag ang paggamit ng mga drones ng US sa surveillance at aktwal na pagbomba laban sa mga grupong terorista.

Talagang wala nang pagpapanggap ang US at gobyernong Aquino na may soberanya pa ang bansa. Nangangamba kami na ang ganitong panghihimasok-militar ay pasasaklawin sa buong bansa, laban sa New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front. Hindi ito dapat mangyari dahil ang paglaban ng mga ito sa gobyerno ay usaping internal sa bansa. Tinatawagan namin ang lahat ng Pilipinong may malasakit sa soberanya ng bansa na labanan ang interbensyong militar ng US.

Nananawagan kami na ibasura ang lahat ng tratadong nagsisilbing lisensya sa mga base-militar ng US sa bansa. Ang Mutual Logistics Support Agreement o MLSA na magpapagastos pa sa gobyerno para sa mga tropang Kano. Ang Visiting Forces Agreement na nagbibigay-lisensya sa pagbabase ng mga tropang Kano, hindi lang sa kanilang pagbisita sa bansa. At ang Mutual Defense Treaty ng 1956 na haligi ng hindi-pantay na ugnayan ng US at Pilipinas.

Tinatawagan namin ang lahat ng makabayang Pilipino na magsalita laban sa panghihimasok-militar ng US at sa pagkilos ng gobyernong Aquino na lalong paramihin at patagalin ang mga tropang Kano sa bansa.

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson
Campaign: 
US Troops, Out Now!
Contact information: 
0908-1636597

Comments

#1 Mga GAGO pala kayo eh oh ayan

Mga GAGO pala kayo eh oh ayan china ngayon inaangkin teritory natin nasan mga protesta niyo!? Imperialismo ginagawa nila nasan kayo bakit hindi kayo nagpoprotesta sa harap ng embasy nila!

#2 Kayo pulo salita. Wala kawa.

Kayo pulo salita. Wala kawa. KMU pulo kawa. Kayo mga kontra KMU wala kayo kawa na mabuti. KMU kawa mabuti para sa tao. Mga putang-ina ninyo! Hindi kayo makatao. KMU makatao. Para sa akin, KMU bayani.

Putang-ina ninyo!

#3 thanks po! nakatulong ng

thanks po! nakatulong ng madami para sa debate namin! :D Godbless. :)

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments