Mariing Pagkondena sa Pandarahas sa mga Nagpoprotesta sa Campout Mendiola
Error
Mariing kinokondena ng Kilusang Mayo Uno ang pandarahas, tampok ang paggamit ng water cannon at batuta, na ginawa ng rehimeng Aquino sa mga nagpoprotesta ng nagmamartsa ngayon patungong Mendiola para itayo ang "Kampuhan Kontra Kaltas, Krisis at Kahirapan."
Lantarang pagsikil ang ginawa ng rehimeng Aquino sa karapatang magpahayag at magprotesta ng mga nagpoprotesta na ang kalakhan ngayong araw ay mga kabataan at estudyanteng kumokondena sa pagkaltas sa subsidyo sa edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan at pagpapalobo sa pambayad sa utang panlabas ng bansa.
Tinatawagan namin ang iba't ibang sektor ng lipunan -- tampok ang mga mambabatas at taong-Simbahan -- na kondenahin ang malupit na pandarahas na ginawa ng rehimeng Aquino sa mga nagpoprotesta. Sa pag-igting ng krisis, tiyak na naghahanda ang rehimeng Aquino ng mas matinding panunupil. Tinatawagan ang lahat na magsalita at kondenahin ito ngayon pa lang.
Malinaw ang layunin ng rehimeng Aquino: sa maksimum, ang pigilan ang pagtitirik ng kampuhan. Sa minimum, ang takutin ang malawak na hanay ng mga mamamayan na sawang-sawa na sa kahirapan at kagutuman at nagbabantang sumama sa makasaysayang kampuhan.
Hindi magtatagumpay ang rehimeng Aquino. Tulad ng pasista, pahirap at pa-poging rehimen ni Barack Obama sa US na nabigo sa pagsupil sa protestang Occupy sa US, hindi magtatagumpay ang rehimeng Aquino sa pagpigil sa protesta ng mga manggagawa at mamamayang sawang-sawa na sa tumitinding kahirapan at kagutuman. Sasambulat at sasambulat ang protesta at galit ng mga manggagawa at mamamayan sa gobyernong Aquino na husto lang sa satsat pero katulad ng mga naunang rehimen sa pagiging pahirap.
Bukas, mas maraming manggagawa, maralita at mamamayan ang pupunta sa kampuhan sa Mendiola. Igigiit namin ang aming karapatang magpahayag. Igigiit namin ang karapatan naming kondenahin ang papalalang kahirapan at kagutuman na nagpapahirap at pumapatay sa amin.
Tinatawagan namin ang lahat ng manggagawa, maralita at mamamayan, gayundin ang lahat ng maka-maralita sa ating lipunan: Dumalo at dumagsa tayo sa Mendiola! Ipakita nating sawang-sawa na tayo sa kahirapan at kagutuman sa ating bansa -- gayundin sa pahirap at pasistang mga rehimeng katulad ng rehimeng Aquino! Ipakita nating ipaglalaban natin ang radikal at tunay na pagbabago na para sa interes ng sambayanang Pilipino, harangan man tayo ng pandarahas ng mga tauhan ng Estado!
Add comment
Recent comments
- 17 May 2012
Hardware
4 days 12 hours ago - The most Filipino workers,
1 week 17 hours ago - maam / sir
2 weeks 5 days ago - Kumusta na po ba si Athea
3 weeks 1 day ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
3 weeks 1 day ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 5 days ago - The SC decision is final and
3 weeks 6 days ago - really?...but on the other
4 weeks 1 day ago - Solidarity from New Zealand
5 weeks 1 day ago - Tama ka dyan mga mandadamay
5 weeks 1 day ago
Most discussed